Sitcom nina John Estrada at Ellen Adarna, magsisimula na ang lock-in taping sa Antipolo

by Jojo Gabinete
Jan 5, 2021
John Estrada and Ellen Adarna, magsisimula nang mag-taping para sa sitcom nilang John En Ellen sa Antipolo ngayong Martes, January 5.
PHOTO/S: Instagram

Ngayong Martes, January 5, ang unang araw ng taping ng John En Ellen, ang sitcom na pinagbibidahan nina John Estrada at Ellen Adarna.

Kukunan ang lahat ng mga eksena ng programa sa isang mansion sa Antipolo City.

Mapapanood ang John En Ellen sa TV5 simula sa January 17, 2021.

Inspired ng popular sitcom na John En Marsha (May 1973-July 1990) ang John En Ellen, na ipo-produce para sa TV5 ng Ichthus Entertainment, ang production company ni John.

Mula ito sa direksyon ng former ABS-CBN creative manager na si Willy Cuevas.

Sina Dolphy at Nida Blanca ang mag-asawa sa John En Marsha.

Kung Puruntong ang apelyido nila sa kanilang dating sikat na comedy show, Kulantong naman ang family name nina John at Ellen sa bagong programa ng TV5.

Sina Ronaldo Valdez, Laboching, Long Mejia, at Angelina Cruz ang co-stars sa sitcom.

Dahil sa coronavirus pandemic, lock-in taping mula ngayon hanggang January 9 ang mangyayari sa cast at production staff ng John En Ellen.

Continue reading below ↓

Sumailalim sila sa swab test noong Linggo, January 3, para makatiyak na ligtas ang lahat mula sa banta ng COVID-19.

At para makilala ng mga kasali sa programa ang isa’t isa, nagkaroon sila ng welcome dinner nitong Lunes, January 4.

Samantala, friendly lunch ang nangyari kina John at Ellen noong Linggo, January 3, sa isang restaurant sa Bonifacio Global City para maging kumportable sila sa kanilang mga karakter bilang mag-asawa sa John En Ellen.

Cebu-based si Ellen pero pansamantala na maninirahan siya sa Metro Manila para lamang sa taping ng John En Ellen.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Estrada and Ellen Adarna, magsisimula nang mag-taping para sa sitcom nilang John En Ellen sa Antipolo ngayong Martes, January 5.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results