Alma Concepcion, ipinahiya ang bastos na netizen na gustong makita ang boobs niya

by Jojo Gabinete
Jan 6, 2021
Alma Concepcion: Anyone who gets messages like that, dapat i-post. Para sa mga lalakeng bastos, at marami sila, dapat isipin nilang pwedeng i-post anytime yung mga malalaswa nila na hirit."
PHOTO/S: Alma Concepcion Instagram

Simple pero matindi ang ganti ni Alma Concepcion sa pambabastos sa kanya ng isang netizen na humiling na tingnan ang kanyang dibdib.

“Patingin ng dede mo” at “Wee asan na dede mo” ang malalaswang post ng isang Rogelio de Guzman sa Facebook page ng beauty clinic na pag-aari ni Alma.

Imbes na mapikon at makipagsagutan sa netizen, kinunan ng litrato ng Bb. Pilipinas-International 1994 ang mga mensaheng ipinadala sa kanya.

Ipinost ni Alma ang screenshot nito sa mga social media account niya.

Kalakip nito ang babala ng beauty queen-actress: “Pervert messages will be posted. Note: Married ka pa naman. Lagot. Pls. share till it reaches his wife.”


Continue reading below ↓

Mabisa ang paraang naisip ni Alma dahil deactivated na ang Facebook account ng lalaking pinagnanasaang mapagmasdan ang kanyang dibdib.

Pero higit pa ang kaparusahang tinanggap nito—ang public humiliation na epekto ng kabastusan at kagagawan niya.

“Marami ‘yan!” sabi ni Alma nang makausap siya ng Cabinet Files ngayong hapon, January 6.

“Now ko lang naisip na i-post ang mga ganyan para tumigil na sila. Wala na yung account niya.”

May mensahe si Alma para sa mga katulad niyang binabastos sa social media.

Aniya, “Anyone who gets messages like that, dapat i-post.

"Para sa mga lalakeng bastos—at marami sila—dapat isipin nilang pwedeng i-post anytime yung mga malalaswa nila na hirit,” ang paalaala ni Alma na dapat tularan ang naisip na solusyon para tantanan na siya ng mga social media pervert.

HOT STORIES

Read Next
Read More Stories About
Alma Concepcion, hardcore fans
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alma Concepcion: Anyone who gets messages like that, dapat i-post. Para sa mga lalakeng bastos, at marami sila, dapat isipin nilang pwedeng i-post anytime yung mga malalaswa nila na hirit."
PHOTO/S: Alma Concepcion Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results