Ion Perez, pinaiyak ni Vice Ganda sa It's Showtime

by Jojo Gabinete
Jan 9, 2021
Vice Ganda says his song, "Mahal Ako ng Mahal Ko," for Ion Perez is also for those who have found love and also those who are waiting for the one. He adds, "Puwede rin ninyong gamitin sa mga kasal ninyo."
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram; Screen Grab from It's Showtime

Napaluha si Ion Perez nang marinig muli ang kantang "Mahal Ako ng Mahal Ko," na inawit ni Vice Ganda sa January 9, 2021 episode ng It’s Showtime.

"Nakakaiyak pa rin," ang reaksiyon ni Ion matapos panoorin ang pagkanta ni Vice, na nag-trending sa Twitter kanina.

"Basta nakikita ko yung ano natin…nakakaiyak. Sobra lang akong nata-touch kapag nakikita ko yung mga picture natin…napagdaanan pala natin iyon nang napakabilis. Hindi mo namalayan.” ang pahayag ni Ion.

Habang buong pagmamahal na pinagmamasdan ni Vice si Ion, nasambit nitong, "Thank you dahil kasama kita na pinagdaanan yung mga panahon na iyon."

Pinasalamatan rin ni Vice sina Moira dela Torre at saka ang husband nitong si Jason Marvin, na kasama niya sa paggawa ng kanta. Binanggit rin ng Kapamilya star si Marvin Querido, ang arranger.

Sa pagpapatuloy ng 44-year-old Kapamilya, "Maraming-maraming salamat sa inyo sa pagbuo ng awitin na ito dahil ito talaga ang gusto kong iregalo sa kanya noong anniversary namin.

Continue reading below ↓

"At saka regalo ko ito sa lahat ng mga nagtagumpay sa paghahanap at pag-aantay ng mga tunay nilang minamahal, sa mga tao na matagal na nalungkot, pero ngayon, masaya na at ngumingiti.

"At sa lahat pa rin na patuloy na umaasa dahil alam naman nating lahat na merong nakalaan para sa atin dahil mahal tayong lahat ni Lord at alam Niyang magiging masaya tayo kapag na-in love tayo.

"Para po sa inyo ang kantang ito. Puwede rin ninyong gamitin sa mga kasal ninyo," ang sabi ni Vice.

Isinulat ito ng TV host-comedian bilang regalo kay Ion nang ipagdiwang nila sa Enchanted Kingdom noong October 25, 2020, ang second anniversary ng kanilang relasyon.

Originally, isang tula ito na isinulat ni Vice para kay Ion.

Aniya, "Yung istorya natin, gusto kong i-immortalize. Hindi naman siya magiging pelikula, pero gusto ko kasing ikuwento yung experience ko noong makilala kita hanggang ngayon. So yung damdamin ko, naikuwento ko siya sa isang tula."

Continue reading below ↓

Ion was first discovered when he won the international male pageant Mr. Universe Tourism 2018.

May 2018 nang unang silang nagkakilala sa late-night talk show ni Vice na Gandang Gabi Vice! (GGV).

Nag-guest si Ion bilang winner ng international male pageant Mr. Universe Tourism 2018.

Pero sa It's Showtime sila nagkamabutihan.

September 2018 nang ipinakilala si Ion bilang Kuya Escort, at dito na nagsimula ang kanilang tuksuhan na nauwi sa pag-iibigan.

October 26, 2019, nang kumprimahin ni Vice na si Ion ang kanyang "katuwang sa buhay."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda says his song, "Mahal Ako ng Mahal Ko," for Ion Perez is also for those who have found love and also those who are waiting for the one. He adds, "Puwede rin ninyong gamitin sa mga kasal ninyo."
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram; Screen Grab from It's Showtime
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results