Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar, initial offering ng VIVAMAX

by Jojo Gabinete
Jan 17, 2021
Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar, starring Rosanna Roces, Maui Taylor, Alma Moreno, and Ara Mina, is the initial offering of VIVAMAX, the latest streaming platform in the Philippines.

Ang Viva Communications President na si Vincent del Rosario ang nagpaliwanag tungkol sa desisyon ng kanilang kumpanyang maglunsad ng sariling streaming platform, ang VIVAMAX.

Ayon kay Vincent, ang pagsasara ng mga sinehan dahil sa coronavirus pandemic ang isa sa mga dahilan kaya napaaga ang paglulunsad ng VIVAMAX sa January 21, 2021.

"Viva has decided to get into streaming ‘coz we wanted to go direct to consumers.

"Nataon lang na napabilis ito because of the current situation na ang mga tao walang access sa cinemas, but otherwise this has been in our plans since two years back. Na-fast track lang because of this opportunity," pahayag ni Vincent tungkol sa bagong streaming platform ng Viva Communications.

Sinabi ni Vincent sa bukod sa mga bago at original content, mapapanood sa VIVAMAX ang mga classic films, television series, concerts, at documentaries na ipinrodyus ng Viva Films.

"As you know naman, most of the major studios in Hollywood have also gone direct to consumer with an old platform and a streaming platform so we look at VIVAMAX as a way for us to reach out to moviegoers, to film lovers, entertainment lovers in general.

Continue reading below ↓

"Kasi hindi lang naman movies ang nandito, pati series, mga special interest like concerts, stand-up specials, documentaries, some sports content.

"We feel that the way of the future includes streaming outside, of course, the traditional cinema going."

INITIAL OFFERING

Ang Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar ang initial offering ng VIVAMAX.

Ang sex-comedy movie na ito mula sa direksiyon ni Darryl Yap ay pinagbibidahan ng former Screen Goddesses na sina Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina, at Maui Taylor.

Kasama ang Pornstar sa mga project ng Viva Films na naglaan ng isang bilyong piso para sa mga content ng VIVAMAX.

"Ang Pornstar ang unang ilalabas pero we’re committed to release one content every week," pagpapatuloy na pahayag ni Vincent.

Pinaalala rin niya ang grand launch ng mga movie project ng Viva Communications sa Novotel noong January 2020.

"We’ve announced before that we’ve earmarked one billion pesos creating original and exclusive content for the platform. So ang consumers, ang subscribers will be happy subscribing.

Continue reading below ↓

"I think ang concern sa ibang platforms, nagsimula tapos nawala dahil hindi nila na-sustain yung paglalapag ng content.

"Sa VIVAMAX, we assure everyone that busog sila sa content, regardless of what type of content—whether it be like Pornstar na medyo comedy, sex comedy or serious or some movies from our big stars.

"Pati foreign content may ilalapag kami so kumpleto. Everything, movies, mga series na na-produce namin in the past.

"Pero more than that is yung paglalagay ng fresh content. I think yun ang exciting part to this.

"We’re creating a lot of opportunities at job opportunities for actors, producers, directors.

"We’re working with various groups, hindi naman lahat ito in-house produced. Marami ito, in partnership with great minds, great producers."

MORE CONTENTS

Ilan pa sa upcoming projects ng Viva Films na mapapanood sa VIVAMAX ay ang sumusunod:

Parang Kayo Pero Hindi (Xian Lim, Kylie Verzosa, at Phoebe Walker); Ang Babaeng Walang Pakiramdam at Sa Haba ng Gabi (Kim Molina); Tililing (Baron Geisler, Gina Pareño); Sana All (Meg Imperial, Arvic Tan);

Continue reading below ↓

Spellbound (Bela Padilla, Marco Gumabao); Steal (Ella Cruz, Nathalie Hart, Meg Imperial, Jennifer Lee); Mang Jose (Janno Gibbs, Manilyn Reynes); Rooftop (Marco Gumabao, Ryza Cenon), The Exorcism of my Siszums (Toni and Alex Gonzaga);

A Man and a Woman (Aga Muhlach, Cristine Reyes), My Sassy Girl (Pepe Herrera, Toni Gonzaga); Other Wife (Lovi Poe, Joem Bascon); Glimpse of Forever (Diego Loyzaga, Julia Barretto, McCoy De Leon); at The Housemaid (Albert Martinez, Kylie Verzosa).

Dalawang drama movies naman ang naghihintay sa pagbabalik ni Anne Curtis mula sa Australia—ang Kamikaze at The Devoted.

Ipalalabas din sa VIVAMAX ang documentaries tungkol kay Eddie Garcia (Manoy), at sa transgender woman na si Jennifer Laude (Call Her Ganda) na pinatay ng isang U.S. Marine noong October 2014; at ang Tala concert ni Sarah Geronimo, pati ang Unified concert nila ni Regine Velasquez.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar, starring Rosanna Roces, Maui Taylor, Alma Moreno, and Ara Mina, is the initial offering of VIVAMAX, the latest streaming platform in the Philippines.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results