Ellen Adarna, nabuking na nasa bahay ulit ni Derek Ramsay

by Jojo Gabinete
Jan 18, 2021
Habang ini-interview si Ellen Adarna ng TV5 ay pinabati nito si Derek Ramsay. Nasa bahay muli ni Derek si Ellen at iba pang mga kaibigan para sa isang get-together.
PHOTO/S: Screen grab from TV5

Nabuking na nasa bahay muli ni Derek Ramsay si Ellen Adarna sa live virtual interview sa aktres ng TV5 at One.PH reporter na si MJ Marfori ngayong Lunes ng gabi, January 18.

Inaanak ni Derek sa binyag ang anak ni MJ at ng GMA News reporter na si Oscar Oida kaya pamilyar sa TV5 entertainment news reporter ang hitsura ng bahay ng aktor.

Habang iniinterbyu sina Ellen at John Estrada para sa bagong sitcom ng dalawa, ang John En Ellen, hindi napigilan ni MJ ang sariling tanungin ang kinaroroonan ng aktres dahil pamilyar sa kanya ang lugar.

Diretsahang tanong ni MJ kay Ellen: "At dahil siyempre friend din namin siya [Derek], napakapamilyar ng background mo, Ellen. Nasa bahay ka ba ni Derek?"

Gulat na gulat at natatawang sagot ni Ellen: "Oh my God! Masyado bang obvious?"

Sabi ni MJ: "Sobrang obvious yung ceiling diyan, sa may pool area ‘yan ni Derek,” ang sabi ni MJ.

Continue reading below ↓

Defensive na reaksiyon ni Ellen: “E, magkapitbahay lang kami, di ba?"

Nakahanap naman ng kakampi si Ellen kay John.

"Ellen and Derek, they’re not stepping on anybody’s toes so I don’t see any problem there. They’re both single and they deserve to be happy," sabi ni John, na tila pahiwatig na nagkakamabutihan na sina Ellen at Derek.

Habang iniinterbyu sina Ellen at John, rinig na rinig ang boses ni Derek sa background dahil may kausap ito sa telepono.

"Naririnig niyo ba siya? He invited to have dinner in his house," sabi ni Ellen.

Nang sabihin ng isa sa mga anchor ng One.PH na "Can we just see him and say hi?" ay tinawag ni Ellen si Derek.

Sabi ni Ellen, “Derek, mag-hi ka na lang daw kasi nabuking na ako na nandito ako sa bahay mo."

Paglilinaw pa niya, "Ang dami kaya namin dito, hindi lang ako. Ano ba? Gusto niyo makita?

Continue reading below ↓

"Maraming tao dito, hindi lang ako."

Pumayag si Derek na bumati sa mga kausap ni Ellen, pero nagulat siya nang malaman niyang nasa live newscast sila.

"Hi guys!" bati ng clueless na si Derek.

Sinaway siya ni Ellen at sinabing, "We’re going to be at the news, ano ka ba?!"

TV5 interview with John En Ellen cast, derek ramsay appears in Ellen Adarna background

Continue reading below ↓

Naging laman ng balita ang mga larawan nina Ellen at Derek na kuha sa dinner party sa bahay ng aktor noong January 11, Lunes.

Kuha ang mga iyon ng aktres na si Ruffa Gutierrez, na kasama nila sa party at iba pang mga kaibigan.

JOHN EN ELLEN

Ang John En Ellen ang bagong sitcom ng TV5 na mula sa direksyon ni Willy Cuevas at pinagbibidahan nina John at Ellen.

Sinabi ni Ellen na tinanggap niya ang project dahil bagay sa kanya ang karakter na ginagampanan.

Nagkataon ding nasa pangangalaga ni John Lloyd Cruz sa kasalukuyan ang kanilang anak na si Elias.

"At first, wala talaga akong plano bumalik but na-timing din ‘yon that my son was scheduled to be here with his dad when they offered me the show. And in my head, sige na nga.

"I guess it’s a sign because it’s very light, and it’s just me that I’m portraying, and it’s a good comeback because I feel good.

Continue reading below ↓

"I feel great, I feel like I’m reborn, and that person I’m portraying is just me why don’t I just show it to the world."

Sabi pa ni Ellen, "My son is my priority and I’d like to give more my energy to my son, and perfect itong sitcom na ito because it’s light and good energy, so it just balances out things."

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Habang ini-interview si Ellen Adarna ng TV5 ay pinabati nito si Derek Ramsay. Nasa bahay muli ni Derek si Ellen at iba pang mga kaibigan para sa isang get-together.
PHOTO/S: Screen grab from TV5
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results