Dating contestants sa singing competitions, hurado na ngayon sa Born to Be a Star

by Jojo Gabinete
Jan 23, 2021
Sam Concepcion, Katrina Velarde, Janine Tenoso
Nagbahagi ng kanilang payo sa aspiring singers ang dating singing competition contestants na sina (mula kaliwa) Sam Concepcion, Katrina Velarde, at Janine Teñoso.
PHOTO/S: Viva PR material

“There’s no shortcut to success" para sa mga aspiring singer.

Ito ang nagkakaisang pananaw nina Sam Concepcion, Katrina Velarde, at Janine Teñoso.

Tatlo sila sa limang hurado o star agents ng nagbabalik-telebisyon na Born to Be a Star, ang reality singing competition ng Viva Entertainment at ng TV5.

Ngayong gabi ang pagbabalik ng show na unang ipinalabas nung 2016.

Mga produkto sina Sam, Katrina, at Janine ng mga talent search sa telebisyon at ang sariling mga karanasan ang naging basehan nila sa tips na kanilang ibinigay sa applicants ng Born to Be a Star.

“Surreal yung feeling na makapanood and being on the side of the room. I really see myself sa marami sa kanila because I know the feeling of being in a competition 'tapos you’re preparing for it," sabi ni Sam.

"The nerves, the pressure, the whole atmosphere, the whole environment of it all. It’s nice to watch and I really identify myself with them.

Continue reading below ↓

"Ang tips na mai-impart ko is, mahirap na experience sa ganito is the pressure of the competition especially when you’re that young. Minsan the pressure could really get to you.

"Treat it like an experience, something that you can learn from whatever the outcome is."

Thirteen years old si Sam nang sumali sa Little Big Star ng ABS-CBN noong 2006.

Ex-contestant din si Katrina ng Little Big Star at naranasan niyang sumali sa lahat ng mga amateur singing contest sa mga probinsya.

Kaya may karapatan siya na magbigay ng payo sa mga nangangarap na sundan ang landas na kanyang tinahak.

"Yung sinabi ni Sam, nakikita talaga namin ang sarili namin sa stage kasi ganoon yung ginagawa namin dati and may mga pagkakataon talaga na maalaala mo talaga kung paano kami sumasali sa mga singing contest dati.

“Usually, ang sinasabi ko sa aming ibang mga applicants, meron kasing iba sa kanila na eager talaga na manalo agad. Lagi kong sinasabi sa kanila na in life, there’s no shortcut.

Continue reading below ↓

"Mas masarap na maging sa iyo ang star or kung ano yung pangarap mo kapag napagdaanan mo ang lahat ng mahirap, yung sacrifices na kailangang gawin.

“At their age, ang napapansin ko sa mga bata ngayon na kumakanta, masyadong give na give. Pa-impress na pa-impress.

"Kaya sinasabi ko na kailangan nila na i-express muna.

“Ang pagkanta, dapat laging galing sa puso and it’s really a great experience for me na maging hurado dahil ito ang way ko para ma-share ang knowledge na nakuha ko sa mga dating sinalihan ko na singing contests.”

Former contestant ng unang season ng Born to Be a Star si Janine, kaya hindi ito makapaniwala na mula sa pagiging applicant, star agent na siya ngayon ng singing competition ng TV5 na nagbigay sa kanya ng malaking break sa music industry.

“Dati I can see myself there on stage as a contestant of Born to Be a Star, and now, I was given the chance to be a star agent alongside such amazing artists.

Continue reading below ↓

“I’m so grateful to shows like Born to Be a Star na nagbibigay ng platform for young artists na gusto talagang ma-achieve yung dreams nila to become a performer.

"Maybe what I can impart to them is yung process na pinagdaanan ko rin as a singer na hindi siya madali.

"Like what Katrina said, there’s no shortcut and this is all part of the process na we have to accept.

“I can show them also yung relatability ko na pinagdaanan ko sa Born to Be a Star na it’s not all highs, so up and down siya.

"But if you learn how to be consistent and persistent, mararating mo talaga siya,” payo pa ni Janine sa mga applicant ng Born to Be a Star.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagbahagi ng kanilang payo sa aspiring singers ang dating singing competition contestants na sina (mula kaliwa) Sam Concepcion, Katrina Velarde, at Janine Teñoso.
PHOTO/S: Viva PR material
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results