Nag-iwan ng trauma kay Xian Lim ang pagpasok ng mga magnanakaw sa kanilang tahanan sa Antipolo at pagtangay sa mga gamit nila noong unang linggo ng January 2021.
Ang mga pag-iingat na ginagawa nila ng kanyang pamilya mula nang nakawan sila ang isa sa mga itinanong kay Xian sa virtual presscon ng pelikulang Parang Kayo Pero Hindi ngayong Miyerkules, January 27.
Saad ng aktor, "After it happened, I was really thinking if I should make it public or kung ikukuwento ko ba sa publiko.
"Sasabihin ko ba na nanakawan ako at pinasok yung bahay namin, and it took me a couple of days talking to my mom, talking to my lola and everyone?
"I felt like it’s my responsibility as a public figure na ibahagi sa mga tao na to be more careful.
"Siyempre, nowadays, ang daming nangangailangan, and it’s actually an eye-opener na we live in a very dangerous place."
Hindi pa rin matanggap ni Xian ang nangyari, pero malaki ang pasasalamat dahil walang nasaktan sa mga miyembro ng kanyang pamilya.
"I’m still pretty traumatized and I am still pretty scared. Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari yun, e.
"I kinda just have to accept it. Pero ang hirap, e, it’s hard to accept yung nangyari.
"I don’t want to be too overly dramatic about it, pero my advice for everyone out there is just to be careful, extra careful tayo, lalo na sa panahon ngayon parang hindi mo masabi.
"Ang mentality natin ngayon is hindi ‘yan mangyayari sa akin, okey lang. Meron din naman kaming mga CCTV, yes nandiyan ‘yan.
"Yung bahay ko, para siyang… praning kasi akong tao, e, so the house is covered with metal bars, and papasukin talaga kayo kung gusto ng tao na pumasok. They will always find a way.
"So my advice is just be extra careful.
"I can go on for hours about this topic, pero just be extra careful especially now," payo ni Xian.
Hindi nag-iisa si Xian sa kanyang karanasan dahil pinasok din noon ng magnanakaw ang tahanan ng aktor na nakatira rin sa isang exclusive subdivision sa Antipolo City.
Bagong lipat ang aktor sa bahay na ipinatayo niya at dahil excited, nag-post siya sa social media ng mga larawan ng kanyang tahanan.
Pero ito ang naging mitsa para matukoy at pasukin ng magnanakaw noong 2018 ang tirahan niya.
Tulad ni Xian, nagpapasalamat ang aktor dahil walang nasaktan sa mga miyembro ng kanyang pamilya na natutulog nang pasukin ng magnanakaw ang bahay nila.
Unlike Xian, pinili ng aktor na manahimik at huwag isapubliko ang kanyang nakakatakot na karanasan dahil sa pangambang baka bumalik sa bahay niya ang magnanakaw.
Samantala, ang Parang Kayo Pero Hindi ang Valentine’s presentation ng Viva Films na mapapanood sa VivaMax simula sa February 12.
Pinagbibidahan ito nina Xian, Kylie Verzosa, at Marco Gumabao.