"Bida Voice" ng Eat Bulaga, pantapat sa "Hide and Sing" ng It's Showtime

by Jojo Gabinete
Feb 8, 2021
Sinimulan ngayong Lunes, February 8, ang bagong segment ng Eat Bulaga! na tinawag nilang "Bida Voice," ang singing contest para sa mga mahiyain.

Sa "Hide and Sing" segment ng It’s Showtime, ang celebrity singer ang hinuhulaan ng guest judge at ng mga host ng noontime variety show ng ABS-CBN.

Pero kung may "Hide and Sing" ang It’s Showtime, may "Bida Voice" Shy Singing Competition ang Eat Bulaga! na inilunsad ngayong Lunes ng tanghal, February 8.

Ang singing voice ng mga contestant ang binibigyan ng importansiya ng mga hurado ng "Bida Voice" dahil naririnig lamang ang kanilang mga boses at hindi nakikita ang mga hitsura nila.

Ang mga invited judge ang maghuhusga sa pag-awit ng mga contestant na hindi inilalantad ang mukha, hindi nagsasabi ng tunay na pangalan, pero nagkukuwento tungkol sa mga relasyong pinagdaanan nila at mga kantang naging bahagi ng kanilang mga buhay.

Boses lamang ang basehan sa "Bida Voice" kaya maaaring sumali ang mga bata, matatanda, lahat ng kasarian, at mga ordinaryong mang-aawit na mahiyain o takot mag-perform sa harap ng publiko dahil may stage fright.

Continue reading below ↓

Sina Ice Seguerra, Anna Fegi, at Allan K. ang ilan sa mga hurado sa unang araw ng "Bida Voice."

Umani ng mga positive feedback mula sa manonood ang "Bida Voice" dahil interesting at exciting ang bagong misteryosong segment ng Eat Bulaga.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sinimulan ngayong Lunes, February 8, ang bagong segment ng Eat Bulaga! na tinawag nilang "Bida Voice," ang singing contest para sa mga mahiyain.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results