Bortalicious actor-model, higit P60K ang asking price sa showbiz gay na gusto siyang maka-date

by PEP Troika
Feb 8, 2021
Actor-model, nilako ang sarili matapos mapansin ang pagnanasa sa kanya ng showbiz gay. Nag-DM at nakipag-bargain sa presyo kapalit ng pakikipag-date niya.
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

Certified bortalicious ang actor-model na sampung taon nang lumalabas sa mga pelikula at TV program.

Just recently ay nag-cameo ang bortalicious actor-model sa isang dekalibreng Pinoy BL series.

Dahil sa pandemya, ngangey ang actor-model at kinakapos sa pera.

Sa isang social media post ni actor-model, nagpahayag ang isang showbiz gay na nagtatrabaho sa isang TV network ng labis na paghanga at pagnanasa.

Nag-DM (direct message) ang actor-model sa showbiz gay.

Payag itong makipag-date dahil kailangan nito ng bagong iPhone—preferably, iPhone 12 Pro na 512GB ang memory capacity.

Inamin ng showbiz gay na hindi niya kayang bumili ng iPhone 12 Pro para ipanregalo sa ka-date.

Kung pwede, cash na lang. Ilang araw ang lumipas bago nag-reply ang bortalicious actor-model. Payag na siya sa cash.

Nakiusap ang bortalicious actor-model kung pwedeng mas mataas sa TF (talent fee) niya per day sa isang sikat na drama series ang ibigay sa kanya.

Continue reading below ↓

“How much is your TF?” excited na tanong ng showbiz gay.

Mabilis na nag-reply ang bortalicious actor-model, “P60K.”

Nanghina ang showbiz gay. Hindi na siya sumagot.

Hopia at asado ang showbiz gay na maka-dinner date ang crush na actor-model.

GORGY RULA

Minsan, mahirap din paniwalaan ang mga palitan ng message sa social media.

Baka mamaya, pini-playtime lang ni showbiz bading si bortalicious actor-model.

Baka naki-playtime lang din itong si boylet.

Alam ko kasi, nasa pamilya ito ng pulitika at may kaya naman sila.

Mahirap talagang makipag-deal sa social media, lalo na kung hindi naman kayo magkakilala.

Pero sa hirap ng buhay, marami na ring pumapatol kahit barya-barya na lang.

Huwag na sigurong alamin kung sino sila, dahil pam-blind item lang talaga sila.

NOEL FERRER

Kapit sa patalim. It comes in all forms, shapes and sizes lalo na ngayong pandemya.

Ilan ba ang nabalitaan nating reality show contestants na kumapit sa patalim sa ating mga kaibigan sa industriya kapalit ng GCash deposits at groceries?

Continue reading below ↓

In the end, tatanungin mo, sino pa nga ba ang maaasahan natin sa ayuda ngayong panahong ito?

Sino ba talaga ang dapat nag-aalaga sa atin sa panahon ng kagipitan?

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor-model, nilako ang sarili matapos mapansin ang pagnanasa sa kanya ng showbiz gay. Nag-DM at nakipag-bargain sa presyo kapalit ng pakikipag-date niya.
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results