Jerome Ponce, posibleng ma-in love kay Teejay Marquez? Teejay, "magdamag na kinikilig" kay Jerome

by Jojo Gabinete
Feb 12, 2021
Teejay Marquez (kanan), sobrang ganado sa taping nila ni Jerome Ponce (kaliwa) ng B X J Forever: "Kapag nagsu-shooting ako, talagang buhay na buhay yung kilig ko, kasi yun naman talaga ang gustong kong maramdaman na natural."
PHOTO/S: Instagram

Ang paglapit kay Jerome Ponce ng dalawang dayuhan para magpakuha ng litrato sa kanya ang nakapagpa-realize sa kanyang totoong hindi lang sa Pilipinas kundi pati sa ibang bansa ay popular ang Ben X Jim.

Ang Ben X Jim ay ang Boys Love series ng Regal Entertainment, Inc. tampok ang tambalan nila ni Teejay Marquez.

Nagdulot kay Jerome ng sobrang kaligayahan ang insidente dahil siya mismo ang nakapagpatunay na marami talaga ang sumubaybay at tumangkilik sa unang season ng Ben X Jim.

Lahad ni Jerome: "I was out, nagdi-dinner ako and bigla lang may nagpa-picture though naka-face mask at naka-face shield sila.

"Sabi lang niya sa akin, 'We are from Taiwan and Hong Kong.' Nagpa-picture sila.

"Sabi ko, 'Wow. The fact na taga-dun sila, it means na may taga-dun na nanonood.

"Yung simpleng ganoon, napasaya ko sila, but ako sobrang saya ko.

"Imbes na magdi-dinner lang ako, ang saya-saya ko. Sabi ko, sige na manglilibre ako. Ang saya ko lang."

Continue reading below ↓

Marami ang kinilig sa love team nina Jerome at Teejay sa Season 1 ng Ben X Jim kaya nasundan agad ito ng sequel, ang B X J Forever, na mapapanood sa UPSTREAM.ph, simula ngayong Biyernes, February 12.

teejay marquez and jerome ponce in Ben x Jim

Continue reading below ↓

JEROME ponce, POSIBLENG MA-IN LOVE KAY TEEJAY marquez?

Ang makatotohanang pagbibigay-buhay nila ni Teejay sa mga karakter nina Ben at Jim ang dahilan kaya tinanong si Jerome kung posible bang magmahal siya ng kapwa lalake.

Paliwanag ni Jerome: "For me, siyempre, that’s love and lahat is a possibility. Pagdating sa love sa akin, walang percentage iyan, walang numbers iyan.

"Andun iyan sa chance. It’s a yes for me. It’s a yes or no lang, e. So, yes sa akin."

Posible bang mahalin niya si Teejay?

Sagot ni Jerome: "Yes! Yes!"

Hindi nakalimutan ni Jerome na ikuwento na siya at hindi lamang ang staff ng Ben X Jim ang kinikilig sa mga eksena nila ni Teejay.

"Sa Season 1, kahit yung mga staff, talagang kapag magkaeksena na kami, nakakatuwa.

"Magngingitian, magkikiligan, mag-aasaran sa likod. Inaasar kami habang nag-eeksena.

"But nung ginagawa na namin yung Season 2, unang taping pa lang, isa lang naman ang may eksena, either ako o siya.

Continue reading below ↓

"'Tapos nung pang-third day nang magkasama kami, grabe, nakakakilig talaga.

"Ang tagal naming hindi nakapag-taping together 'tapos magkikita kami sa eksena pa.”

Nagbigay rin ng reaksiyon si Teejay tungkol sa kilig stories nila ni Jerome sa set ng Ben X Jim.

KILIG FEELS

Naging bukas din si Teejay sa pagsasabing "magdamag" na kilig ang hatid sa kanya ng leading man niya.

Kuwento ni Teejay: "Kapag nagsu-shooting ako, talagang buhay na buhay yung kilig ko, kasi yun naman talaga ang gustong kong maramdaman na natural.

"Matagal ko nang sinasabi, hindi naman mahirap magpakilig itong si Jerome kaya hindi talaga nawawala yung kilig at saka talagang kinikilig yung karakter ko.

"Kahit nga minsan, tapos na yung eksena, nakakatuwa pa ring isipin. Nakakakilig nga, tapos parang magdamag na akong kinikilig.

"At least, nakakatulong din iyon para maalagaan ko yung kilig na ibinibigay sa akin ni Jerome."

Nasorpresa si Jerome sa paglalarawan ni Teejay sa tambalan nila.

Continue reading below ↓

Hindi napigilang komento ni Jerome, "Grabe yung magdamag. Big word iyon ha?"

jerome ponce posts Ben x Jim poster

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Teejay Marquez (kanan), sobrang ganado sa taping nila ni Jerome Ponce (kaliwa) ng B X J Forever: "Kapag nagsu-shooting ako, talagang buhay na buhay yung kilig ko, kasi yun naman talaga ang gustong kong maramdaman na natural."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results