Mahal, kinagigiliwan ng Owe My Love co-stars niyang sina Jason Francisco at Joaquin Manansala

by Jojo Gabinete
Feb 12, 2021
Makikita kung gaano kinagigiliwan ng Owe My Love stars at staff ang diminutive star na si Mahal sa mga video na inilabas sa social media, katulad ng role-playing niya kasama sina Jason Francisco (kaliwa) at Joaquin Manansala (kanan).
PHOTO/S: Screen grab from Facebook

Magiliw na magiliw si Jason Francisco kay Mahal.

Pero walang dapat ikabahala o ipagselos ang misis ni Jason na si Melai Cantiveros dahil natutuwa lamang siya sa diminutive co-star niya sa Owe My Love ng GMA-7.

Ang mga video ng role-playing ni Jason bilang boyfriend ni Mahal at ang kanyang dialogue na magpapakasal sila ang pruweba na aliw na aliw siya sa kasamahan niya sa Owe My Love.

jason francisco with Mahal in Owe my Love

Continue reading below ↓

Mahal and Jason Francisco

For the second time, walang dapat ika-threaten si Melai dahil hindi ang kanyang asawa ang natitipuhan ni Mahal.

Like a true liberated woman, hindi isinisikreto ni Mahal na ang Owe My Love co-star niya na si Joaquin Manansala ang kanyang crush.

Makikita sa video ng dalawa ang matindi na pagkagiliw ni Mahal sa baguhang aktor.

Owe My Love co-stars Joaquin Manansala and Mahal

Continue reading below ↓

Mahal and Joaquin Manansala

Hindi lamang si Jason ang tuwang-tuwa kay Mahal dahil siya rin ang "happy pill" ng production staff at ng mga artista ng upcoming primetime romantic-comedy series ng Kapuso Network.

Kahit hindi normal ang kanyang height at “kiri” man ang impresyon kay Mahal dahil lantaran nitong sinasabi kapag gusto niya ang isang lalake, propesyunal at team player siya kaya respetado ng kanyang mga katrabaho ang maliit na aktres.

Ang lock-in taping ng Owe My Love ang pinagkakaabalahan ni Mahal.

Humingi siya ng paumanhin sa Cabinet Files dahil wala siyang panahong sagutin ang mga tanong na ipinadala namin sa kanyang Facebook messenger.

“Pasensya ka na po, busy ako,” mensahe na aming natanggap mula kay Mahal.

Kaya hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong ipaliwanag ang kanyang Facebook post tungkol sa isang manika at kandilang itim—na ginagamit ng mga "mangkukulam sa mga Philippine mythology at folklore.

Caption niya rito, "Umayos kayo. Panay kita niyo ni….” na tila pahiwatig na may pinagseselosan siyang babae.

Continue reading below ↓

Mahal facebook post with voodoo doll

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Makikita kung gaano kinagigiliwan ng Owe My Love stars at staff ang diminutive star na si Mahal sa mga video na inilabas sa social media, katulad ng role-playing niya kasama sina Jason Francisco (kaliwa) at Joaquin Manansala (kanan).
PHOTO/S: Screen grab from Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results