Dakila ang tunay na asawa ni Jeric Raval

by Jojo Gabinete
Feb 13, 2021
Holiday Buensuceso, Jeric Raval and Family.
Sa kabila ng pagkakaroon ng 14 na anak sa ibang mga babae, nanatiling mahal ni Holiday Buensuceso ang asawang si Jeric Raval.
PHOTO/S: Left: Screengrab from Eat Bulaga | Right: Holiday Buensuceso Facebook

Hindi lamang ang fiancé ni Ara Mina na si Dave Almarinez ang isa sa choices sa February 13 edition ng "Bawal Judgmental" ng Eat Bulaga dahil kasali rin si Holiday Buensuceso, ang asawa ng action star na si Jeric Raval.

Kasal sa isang celebrity ng 12 taon o mahigit pa ang pinahulaan sa "Bawal Judgmental," at marami ang nagulat sa rebelasyon ni Holiday na 13 taon na ang relasyon nila ni Jeric.

Kaya nabulgar ang katotohanan na may asawa at anak na ang action star nang pumasok ito sa showbiz noong 1991.

Ang OctoArts Films ang mother studio ni Jeric noong dekada ’90, pero inilihim din ang pagkakaroon niya ng pamilya para hindi magsiselos ang fans at hindi maapektuhan ang kanyang showbiz career.

Ayon kay Holiday, nagkakilala sila ni Jeric dahil schoolmates sila sa Pampanga, at noon pa man, maporma na ang kanyang asawa.

Ipinagtapat ni Holiday na nakaramdam ito ng pagseselos nang maging artista si Jeric, pero habang tumatagal, nasanay na rin siya.

Continue reading below ↓

“Noong una, nahihirapan din ako pero nasanay na rin ako.

“May selos siyempre, pero nasanay na din nga. Walang magagawa, ganoon talaga. Madaming pinagselosan, parang hindi ko na mabilang.

“Lagi naman niyang sinasabi, 'Work lang ‘to.' Naniniwala na naman ako kasi kung hindi niya ako talaga mahal, matagal na kaming naghiwalay.”

May apat na anak sina Jeric at Holiday, pero wala sa mga ito ang nangarap pumasok sa showbiz.

Tunay na dakilang asawa si Holiday dahil nananatiling matatag ang pagsasama nila, sa kabila ng katotohanang nagkaroon si Jeric ng relasyon sa ibang mga babae, na karamihan ay naninirahan na sa abroad.

Kagaya ni Monica Herrera at ng dating sexy star na si Alyssa Alvarez, ang ina ng newcomer na si AJ Raval.

Hindi inililihim ni Jeric na bukod sa apat na anak nila ni Holiday, may 14 siyang anak sa mga nakarelasyon noon at sampu na ang bilang ng kanyang mga apo.

Continue reading below ↓

“Gusto ko lang malaman niya, nandito lang ako. Mahal na mahal ko siya. Alam naman niya iyon, e,” ang mensahe ni Holiday para sa asawa.

Nang si Jeric naman ang hingan ng mensahe para kay Holiday, sinabi nito, “Lagi lang akong nandito. Lagi kong sinasabi, my family is my life. I love you, Day.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa kabila ng pagkakaroon ng 14 na anak sa ibang mga babae, nanatiling mahal ni Holiday Buensuceso ang asawang si Jeric Raval.
PHOTO/S: Left: Screengrab from Eat Bulaga | Right: Holiday Buensuceso Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results