Ang dalawang opinyon tungkol sa pagbubukas ng mga sinehan sa Metro Manila

by Jojo Gabinete
Feb 14, 2021
Vincent del Rosario, Robbie Tan, Edwin Olivarez
Pabor sina Viva Films producer Vincent del Rosario (kaliwa) at Seiko Films producer Robbie Tan (gitna) sa muling pagbubukas ng mga sinehan. Hindi naman pabor dito ang Paranaque City Mayor at Metro Manila Council Chairman Edwin Olivarez (kanan) pati na ang iba pang mayors ng Metro Manila.
PHOTO/S: File | MJ Felipe Twitter

Pabor ang Viva Films producer na si Vincent del Rosario at si Seiko Films producer Robbie Tan sa pagpayag ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ( IATF-EID) na buksan o simulan na bukas, February 15, ang operasyon ng mga sinehan sa Metro Manila.

Ang industriya ng mga sinehan at ng pelikulang Pilipino ang dalawa sa mga lubhang naapektuhan ng coronavirus pandemic mula nang ipatupad sa Luzon noong March 15, 2020 ang Enhanced Community Quarantine.

Kaya suportado ng Viva Films at Seiko Films producers ang desisyon ng IATF.

“We in Viva support the IATF’s move to reopen the cinemas (while still under continuous strict protocols).

“As you know our industry is one of the worst-hit among the business sectors. In 2019, box office was at P13B while in 2020 this went down to P1.3B or a 90% drop in revenues, so this announcement by the government is indeed a very welcome news for us,” ang pahayag ni Vincent sa Cabinet Files.

Continue reading below ↓

Movie producers on cinema reopening

Gusto ni Robbie Tan na magbukas na ang mga sinehan pero may mga mungkahi siya para sa kaligtasan ng lahat ng mga sabik nang manood ng mga pelikula sa wide screen.

“Sa akin, dapat buksan na ang mga sinehan pero may mga health protocol na susundin gaya ng:

1. Wear face mask all the time when inside the auditorium.

2. There’s proper social distancing in seats.

3. Screening of films should be strictly based on film’s time schedule. Nobody is allowed to enter the cinema if the film has began. There should be proper cleaning and disinfecting of auditorium after every screening.

4. No food and drinks should be allowed inside screening room.

5. There’s should still be proper health contact tracing when entering theaters.

“Ang pagbubukas ng mga sinehan ay para makatulong sa mga taga-movie industry na nawalan ng trabaho at para makatulong din sa pag-angat ng masama na economy ng bansa.

Continue reading below ↓

“Makakatulong din ito sa mga producer, filmmakers, at mga artista na magkatrabaho. Malaki na rin ang nawala sa mga income ng LGU dahil sa pagsasara ng mga sinehan.

“Dahil malilimitahan ang mga pagpasok ng mga manonood sa mga sinehan, dapat na i-suspend muna ang pagpataw ng amusement taxes para makatulong sa mga producer sa pagbawi ng puhunan."

metro manila mayors on cinema reopening

Tutol naman ang mga alkalde ng Metro Manila sa pagbubukas ng mga sinehan na itinakda ng IATF dahil sa pangamba na baka lalong dumami ang kaso ng COVID-19 sa National Capital Region.

Si Parañaque City Mayor Edwin Olivarez ang Metro Manila Council Chairman at sa panayam kahapon ng DZBB, sinabi niya na aapela ang mga mayor ng Metro Manila sa IATF.

Ayon kay Olivarez, tutol sila sa rekomendasyon ng IATF at diumano, hindi nagkaroon ng proper consultation sa mga mayor ng Metro Manila tungkol sa specifics ng sinehan.

Continue reading below ↓

“Alam naman po natin na ang sinehan, enclosed po yan at mahigit isang oras ang gathering sa loob na air-conditioned,” ang sabi ni Olivarez sa DZBB tungkol sa pagkontra nila ng kanyang mga kapwa alkalde sa pagbubukas ng mga sinehan.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pabor sina Viva Films producer Vincent del Rosario (kaliwa) at Seiko Films producer Robbie Tan (gitna) sa muling pagbubukas ng mga sinehan. Hindi naman pabor dito ang Paranaque City Mayor at Metro Manila Council Chairman Edwin Olivarez (kanan) pati na ang iba pang mayors ng Metro Manila.
PHOTO/S: File | MJ Felipe Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results