Anak ni Juan Ponce Enrile, pinagtatawanan ang memes tungkol sa ama ngayong Valentine's Day

by Jojo Gabinete
Feb 14, 2021
Juan Ponce Enrile
Birthday ni Senator Juan Ponce Enrile ngayong Araw ng mga Puso, sa edad na 97. Kahit na mala-matinee idol ang dating ni Senator Enrile nung araw, hindi ito nag-artista.
PHOTO/S: Esquire Philippines

Sina Heart Evangelista, Kris Aquino, at John Prats ang mga showbiz personality na nagdiriwang ng kaarawan ngayong Valentine’s Day.

Pero nasapawan sila ni Senator Juan Ponce Enrile dahil sa mga memes na ginawa ng netizens bilang pagpupugay sa kanyang 97th birthday.

Valentine’s Day noong 1924 nang isilang si Enrile, at paborito siyang gawan ng memes—dahil matanda pa siya sa World War 2, sa epic movie na Ten Commandments, at sa top movie productions noon na LVN (1936), Sampaguita Pictures (1937), at Premiere Productions (1946).

Kahit matinee idol ang itsura ni Enrile noong kabataan nito, hindi siya naging artista.

Ang kanyang kapatid sa ama na si Armida Siguion-Reyna ang tanging kuneksyon niya sa local entertainment industry.

Pero, nabigyang-buhay siya sa A Dangerous Life at sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.

Ang A Dangerous Life ay Australian television film noong 1988, at tungkol ito sa pagpaslang kay Ninoy Aquino noong August 1983 hanggang sa maganap ang EDSA Revolution noong February 1986.

Continue reading below ↓

Si Joonee Gamboa ang gumanap na Enrile sa A Dangerous Life, at si Enrique Gil ang nagbigay-buhay kay Enrile sa life story nitong isinadula ng Maalaala Mo Kaya noong April 2013.

Para sa mga naniniwala sa agimat, si Enrile—at hindi lamang si former Senator Ramon Revilla, Sr.—ang may agimat dahil umabot siya sa edad na 97 samantalang pumanaw si Revilla noong June 26, 2020 sa gulang na 93.

Ngayon ang kaarawan ni Enrile, pero kahapon pa lamang, nagpasalamat na siya sa lahat ng mga bumati sa kanya.

Nagbigay-pugay kay Enrile ang anak nitong si Katrina sa isang mahabang birthday message, at siya ang nagsabing pinagtatawanan din nila ang memes tungkol sa kanyang ama.

“Many have also made you into memes (okay we can all laugh with them if that’s what makes them happy for after all you have always said ‘gusto ko happy ka’), and to this day many still don’t get you.

Continue reading below ↓

“You are far from perfect as we all are sinners here but, let me honor you today not only with my love but to let you know that you are a good person. And like I said not perfect but a good and kindhearted man who has never forgotten his roots.

“You still live a simple life and would not have it any other way. You still read your books, make notes and share what you learn each day——hahaha to me, your audience of one!

“Even if you have walked in the corridors of power, you still remain the same humble lad from Cagayan. I know that is where your heart is!

“So dad as I will see you later to give you a hug and spend more time with you let me offer to you a prayer.

“I pray for length of days, I pray that you never tire of living, I pray that what you have imparted to me, you will be able to impart to the youth of today (I am sure they can still learn something from an old fogey like yourself) and I pray that one day I can make you proud of me too. I don’t know how I will turn out but I sure will try —— hard to beat you though Dad. So I salute you! I honor you. And I love you with all my heart!”

Continue reading below ↓

Ito ang bahagi ng birthday message ni Katrina para sa tatay niya na matalas ang isip at malakas pa rin ang pangangatawan sa edad na 97.

Masasabing political survivor si Enrile. Naging arkitekto siya ng martial law, kasama si Pangulong Ferdinand Marcos na kanyang pinagsilbihan bilang defense minister, bago siya tumiwalag at napunta kay Pangulong Cory Aquino, na hindi rin niya nakasama nang matagal.

Sa mga sumunod na administrasyon, sa maraming presidenteng nagdaan, buhay pa rin ang kanyang career, bilang local government official at senador. At sa hinaba-haba ng political ups and downs niya, hindi pa rin siya talaga pinananagot sa kanyang mga political mistakes.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Birthday ni Senator Juan Ponce Enrile ngayong Araw ng mga Puso, sa edad na 97. Kahit na mala-matinee idol ang dating ni Senator Enrile nung araw, hindi ito nag-artista.
PHOTO/S: Esquire Philippines
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results