Ruru Madrid at Bianca Umali, magkapatid na sa pananampalataya

by Jojo Gabinete
Feb 16, 2021
Miyembro na rin ng Iglesia Ni Cristo ang Kapuso acress na si Bianca Umali. Binautismuhan siya sa Lokal ng Las Piñas noong December 23, 2020. Ang boyfriend niyang si Ruru Madrid at ang pamilya nito ay matagal nang mga miyembro ng INC.
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Hindi lamang magkarelasyon sina Ruru Madrid at Bianca Umali dahil “magkapatid” na rin sila sa pananampalataya.

Faithful members ng Iglesia Ni Cristo si Ruru at ang kanyang pamilya. Hindi siya tumatanggap ng mga showbiz commitment tuwing Huwebes at Linggo dahil ito ang mga araw ng pagsamba nila ng kanyang pamilya sa Iglesia Ni Cristo.

Exclusive contract star si Ruru ng GMA Network Inc. pero pinayagan siyang maging host ng Tagisan ng Galing, ang talent search show ng Net25 dahil pag-aari ito ng Iglesia Ni Cristo.

Inaasahang lalong magiging matatag ang pagmamahalan nina Ruru at Bianca dahil miyembro na rin ng Iglesia Ni Cristo ang 20-year-old actress.

Binautismuhan si Bianca sa Iglesia Ni Cristo, Lokal ng Las Piñas, noong December 23, 2020.

Isang nakakaalam sa kuwento ang nagsabing desidido talaga si Bianca na maging miyembro ng nabanggit na religious organization at naging instrumento lamang si Ruru para matupad ang pangarap niya.

Continue reading below ↓

Si Bianca ang karagdagan sa listahan ng mga personalidad na nagpalit ng relihiyon at sumanib sa Iglesia ni Cristo.

Sina Snooky Serna, Jaclyn Jose, Ejay Falcon, Jon Lucas, AJ Muhlach, Xyriel Manabat, ang pamilya nina Gladys Reyes at Christopher Roxas, ang former sexy star na si Klaudia Koronel, ang broadcaster na si Anthony Taberna at ang pamilya niya, ang celebrity lawyer na si Atty. Ferdinand Topacio, at ang mga singer na sina Victor Wood, Davey Langit, at Champ Lui Pio ang ilan sa mga kilalang personalidad na miyembro ng Iglesia Ni Cristo.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miyembro na rin ng Iglesia Ni Cristo ang Kapuso acress na si Bianca Umali. Binautismuhan siya sa Lokal ng Las Piñas noong December 23, 2020. Ang boyfriend niyang si Ruru Madrid at ang pamilya nito ay matagal nang mga miyembro ng INC.
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results