Sheree, may artistic frontal nudity sa burlesque show niya

by Jojo Gabinete
Feb 17, 2021
Sheree on her upcoming burlesque show: "I’m doing pole, aerial hoop, aerial hammock, burlesque, and bondage art."
PHOTO/S: @shereevb420 on Instagram

Dinamdam nang husto ng sexy star na si Sheree nang makansela noong nakaraang taon ang kanyang burlesque show dahil sa coronavirus pandemic.

L’Art De Sheree o The Art of Sheree ang pamagat ng aborted burlesque show ni Sheree na itatanghal sana sa Music Museum noong April 17, 2020 at magsisilbi ring birthday presentation niya.

Nalungkot si Sheree dahil handang-handa na ito para sa kanyang show na inspired ng mga burlesque show na pinanood niya sa Paris, France. Pero hindi siya nawalan ng pag-asa.

Masayang ibinalita ni Sheree sa Cabinet Files ngayong araw, February 17, na matutuloy na ang L’Art De Sheree.

Sinabi ni Sheree na magiging unforgettable ang birthday niya sa April 20 dahil ito mismo ang petsa ng pagtatanghal ng L’Art De Sheree, na isa nang virtual show kaya mas matindi ang kanyang paghahanda.

"Medyo mahirap dahil we shoot it one day at a time. Pinagaganda talaga namin para mas entertaining ang show. So, yung setup is iba.

Continue reading below ↓

"I’m doing pole, aerial hoop, aerial hammock, burlesque, and bondage art."

Ipinaliwanag ni Sheree na artistic ang mga production number dahil may kinalaman ito sa kanyang buhay at sa mga karanasang pinagdaanan niya.

At dahil paranoid na paranoid si Sheree sa coronavirus, sinisiguro muna niyang malinis ang studio na pinagdarausan ng kanyang training at video shoot bago siya pumunta.

"Nakakatakot kasi, pero usually, private at maingat naman sa studio. Todo linis sila bago ako dumating.

"So far, super happy ako sa turnout sa mga production number na nagawa namin," pahayag ni Sheree.

Nangako ang sexy star na hindi magsisisi ang mga manonood ng kanyang virtual show dahil tuloy na tuloy ang original plan na artistically done frontal nudity act sa isang production number.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sheree on her upcoming burlesque show: "I’m doing pole, aerial hoop, aerial hammock, burlesque, and bondage art."
PHOTO/S: @shereevb420 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results