Baeby Baste, umiyak pagkatapos ng video call nila ni Vic Sotto

by Jojo Gabinete
Feb 18, 2021
Dahil sa sobrang pagka-miss niya kay Bossing Vic, napaiyak si Baeby Baste matapos nilang magkausap via video call.
PHOTO/S: @iambaebybaste on Instagram

Wagas ang pag-iyak ni Baeby Baste, 8, nang magkausap sila ni Vic Sotto, 66, sa pamamagitan ng video call.

Miss na miss na kasi ng child star ang kanyang co-host sa Eat Bulaga.

Halos isang taon nang hindi nagkikita nang personal sina Vic at Baste mula nang ideklara ang enforced quarantine sa Luzon noong March 15, 2020 bilang pag-iingat sa banta ng coronavirus.

Mga replay episodes ng Eat Bulaga! ang napanood noon.

Nang ibalik ang live telecast ng Kapuso noontime show noong June 2020, hindi na kasama ang mga younger host gaya nina Baste at Ryzza Mae Dizon, pati na ang mga senior citizen na co-host ng programa maliban kina Vic at Joey de Leon na “work from home.”

Kahapon, February 17, ibinahagi ni Baste sa Instagram account nito ang video ng kanyang pag-iyak matapos ang pag-uusap nila ni Vic.

Caption niya rito: “Yung naiyak ka dahil na-miss mo sila ng sobra lalo po si Bossing.”

Continue reading below ↓

HOW CHILDREN COPE DURING PANDEMIC

Hindi lamang ang mga matatanda ang apektado ng coronavirus pandemic dahil malaki rin ang epekto nito sa mga bata na gaya ni Baste, na nangungulila sa mga kasamahan niya sa trabaho at nakararanas ng anxiety attack pero hindi nabibigyan ng sapat na atensiyon.

Pang-unawa ang kailangan ng mga bata.

Continue reading below ↓

Naglabas ang United Nations Children’s Fund (UNICEF) for Every Child ng mga payo at tips para sa pag-aalagang dapat gawin ng kanilang mga magulang sa panahon ng coronavirus pandemic.

Sa panahon ng kalamidad tulad ng COVID-19, normal lamang sa mga batang makaranas ng matinding stress, takot, pagkainip at pangamba.

Maaaring manibago sila dahil hindi maaaring lumabas ng bahay dahil sa community quarantine.

Para sa mga batang edad 0-5: Maaaring bumalik sa mga nakaugalian nila nung bata pa sila, katulad ng pag-ihi sa kama o pag-thumb suck o pagiging clingy. Maaari ring bigla silang mawalan ng interes sa paglalaro, maging balisa o iyakin.

Para sa mga batang edad 6 to 12: Maaaring magkaroon ng mga bagong kinatatakutan, maging tahimik o mas pipiliing laging mag-isa.

Para sa mga edad 13 pataas: Maaaring magpakita ng kawalan ng pakialam at interes o ihiwalay nila ang kanilang sarili sa mga kaibigan at pamilya. Maaari rin silang maging pasaway at piliing tumakas ng bahay, madalas sumuway sa utos o makipag-away.

Continue reading below ↓

Narito naman ang mga iminumungkahi ng UNICEF na dapat gawin ng mga matatandang kasama ng mga bata:

* Suportahan sila sa pamamagitan ng pakikinig sa kanilang mga hinaing at ipaunawa sa kanila na magiging maayos din ang lahat.

* Mas nakakatugon sa stress ang mga batang may kasamang nakatatanda na nakakaunawa, kalmado, at positibo ang pagtingin sa sitwasyon.

* Bigyan ang mga bata ng sapat na oras at atensiyon. Iparamdam na handa kayong makinig sa kanilang nararamdaman o gustong sabihin. Hikayatin ang mga batang magkuwento tungkol sa kanilang nararamdaman.

* Ipaalaala sa kanilang sinusunod ng pamilya nila ang mga paraan para mapanatili silang malusog at ligtas sa sakit. Hindi nila dapat sisihin ang kanilang mga sarili sa mga pangyayari.

* Ipaliwanag sa kanila ang mga nangyayari. Bigyan sila ng simple at madaling intindihing mga impormasyon. Iwasang takutin sila.

* Kung hindi mailabas ang saloobin, hikayatin silang isulat o iguhit ang kanilang nararamdaman.

Continue reading below ↓

Kung may hindi masagot sa mga tanong, huwag mahiyang sabihin na hindi sapat ang ating nalalaman.

Maaari ninyong hanapin na magkasama ang sagot sa internet, mula sa webpage ng o Facebook ng Department of Health, World Health Organization (WHO), at UNICEF.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil sa sobrang pagka-miss niya kay Bossing Vic, napaiyak si Baeby Baste matapos nilang magkausap via video call.
PHOTO/S: @iambaebybaste on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results