Fanny Serrano reveals "pinaka-bonggacious na support" from friend Charo Santos

by Jojo Gabinete
Feb 21, 2021
Halos limang dekada nang magkaibigan ang designer at make-up artist na si Fanny Serrano (L) at ang award-wining actress/ host/ producer na Charo Santos.
PHOTO/S: File/ @charosantos on Instagram

Nagbukas noong February 18, 2021, ang Chammie, isang pansiteria na pag-aari ito ni Charo Santos-Concio.

Matatagpuan ito sa 286 Shoe Avenue, Barangay Sta. Elena, Marikina City.

Isa sa mga unang napadalhan ng masasarap na pagkain ay si Fanny Serrano, na matalik na kaibigan ng Maalaala Mo Kaya host.

Puring-puri ni Fanny ang masasarap na lasa ng tatlong klase ng pansit, fried lumpia, fried chicken, at pork barbecue.

"Salamat sooo much, my dearest Charo Santos Concio for the Ayuda de Gracia from her new resto business," ang sabi niya sa Cabinet Files.

Fanny-Charo Friendship

Saka binalikang-tanaw ng designer-makeup artist ang halos limang dekada niyang friendship with the ABS-CBN executive.

"Panahon pa ng salon noon ng kaibigan ko na si Chito Alcid (late 70’s) at inaayusan ko na doon si Ma’am Charo.

"Pero nang mag-start (May 15, 1991) ang Maalaala Mo Kaya sa ABS-CBN, ako na ang kinuha niya na make-up artist at designer niya, even sa ibang films na kanyang ginawa."

Continue reading below ↓

Kakaibang experience para kay Fanny ang masubukan ang pag-arte.

"Pinaka-bonggacious na support ni Ma’am Charo sa akin ay noong binigyan niya ako na isang MMK episode ["Sinturon," September 4, 1991] kung saan ang leading man ko ay si Gabby Concepcion directed by Joel Lamangan.

"Mula noon hanggang ngayon ay matibay pa rin ang friendship namin ni Ma’am Charo,” ang pagbabalik-alaala ni Fanny na suportadong-suportado ang restaurant business ng award-winning actress/ host/producer.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Halos limang dekada nang magkaibigan ang designer at make-up artist na si Fanny Serrano (L) at ang award-wining actress/ host/ producer na Charo Santos.
PHOTO/S: File/ @charosantos on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results