Commercial model Alexa Miro, bida na sa pelikula ni Erik Matti

by Jojo Gabinete
Feb 23, 2021
Alexa Miro: "I’ve wanted to enter showbiz since I was a kid, my passion has always been acting but I had to finish studies first. As far as I can remember, when people would ask me what I wanted to do when I grow up, at age five, my answer would already be an actress! A performer."
PHOTO/S: @alexamiro on Instagram

Ang 24-year-old commercial model na si Alexa Miro ang bet for stardom sa 2021 ng Reality Entertainment Inc.

Siya ang lead actress ng movie project na may working title na A Guy and A Girl na pinagbibidahan din ng newcomer actor na si Rob Gomez.

Kasalukuyang nagaganap sa Baguio City ang lock-in shooting ng pelikula na mula sa direksiyon ni Erik Matti.

Alexa Miro, Direk Erik Matti, Rob Gomez

Continue reading below ↓

Alexa Miro with Direk Erik Matti and Rob Gomez

Nangarap si Alexa na pumasok sa showbiz mula noong bata pa siya kaya nasubukan niyang sumali sa "Munting Miss Universe" contest ng ABS-CBN noong 2001.

Lahad ni Alexa, "I’ve wanted to enter showbiz since I was a kid, my passion has always been acting but I had to finish studies first.

"As far as I can remember, when people would ask me what I wanted to do when I grow up, at age five, my answer would already be an actress! A performer.

"Kahit yung iba sagot nila doktor at engineer, sure na agad ako noon na gusto kong umarte.

Tumutungtong pa ako noon sa table para mag-skit, kumanta, sumayaw! Talagang di ako nahiya.

“I remember joining ABS-CBN’s Munting Miss Universe too in 2001, I think, but my family insisted it was important to focus on education first.

“However, my passion for it never died down talaga. I acted in theatre plays in college and loved taking on heavy but stimulating roles."

Continue reading below ↓

Ang viral commercial para sa isang fastfood chain ang naging instrumento para matupad ni Alexa ang kanyang ambisyon.

“I had no way para pumasok agad sa acting kaya ayun, napunta muna ako sa advertising. I became a commercial model right after college.

"And thanks to the viral Jollibee commercial 'Signs' last 2018, Direk Ted Boborol, who directed the commercial as well, discovered me and got me a regular part in his hit TV series Araw Gabi starring Barbie Imperial and JM de Guzman.

"My journey started there," detalyadong kuwento ni Alexa tungkol sa pagsisimula ng kanyang acting career.

Alexa Miro in Jollibee commercial

Continue reading below ↓

Alexa Miro in the Jollibee commercial "Signs"

THE SCREEN TEST

Bago siya napiling bida sa A Guy and A Girl, napapanood si Alexa sa Fill In The Bank, ang game show nina Pokwang at Jose Manalo sa TV5, bilang courtside reporter at bank teller.

Dumating ang hindi inaasahang big break ni Alexa nang ipakilala siya kay Erik ng isang kaibigan niyang photographer.

Pero hindi nito sinabing naghahanap ang direktor ng baguhang aktres na magbibida sa bagong movie project ng Reality Entertainment, Inc.

Kuwento ni Alexa, "When I got there, I honestly had no idea that it was for a possible role in a movie. Bigla lang sinabi ni Direk na, ‘VTR ka nga, gusto lang kita makita sa camera.’

“I did a couple of simple emotions and eye acting, and then Direk told me the story na of the film. Sobrang na-amaze ako sa concept, na-picture ko agad sa head ko how it was gonna go.

Continue reading below ↓

Bilib agad ako sa talino ni Direk kahit na matagal ko na rin siyang pangarap makatrabaho, nagulat pa rin ako sa sobrang genius niya. It felt like such an honor just to be told about the narrative of the film.”

Nang magkaroon siya ng screen test para kay Erik, hindi inisip ni Alexa na ito na ang simula ng pagbabago ng takbo ng kanyang buhay kaya nabigla siya nang sabihin ng multi-awarded director ang magandang balita.

“Grabe, sobrang nagulat po ako! After ikuwento ni Direk ang story, he said, ‘If you want the role, it’s yours.’

“I did not expect to be qualified for it, or that he saw potential in me. Kinabahan po ako.

"Pero sobrang laki talaga ng tiwala ko kay Direk Erik and it was a dream come true to work with him.

"So I said to myself, 'This is the time. If not now, when? Eto na’ to. Kaya mo ‘to.'”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alexa Miro: "I’ve wanted to enter showbiz since I was a kid, my passion has always been acting but I had to finish studies first. As far as I can remember, when people would ask me what I wanted to do when I grow up, at age five, my answer would already be an actress! A performer."
PHOTO/S: @alexamiro on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results