Mayor Isko Moreno, pinatotohanang ligtas ang Sinovac vaccine kahit di pa siya natuturukan

by Jojo Gabinete
Mar 1, 2021
Manila Mayor Isko Moreno: "I will respect you, your beliefs, your views, but kung ako’y tatanungin ninyo bilang ama ninyo sa lungsod, hinihikayat ko kayo huwag ninyong ipagpabukas, huwag ninyong ipagbakasakali ang kaligtasan ninyo. Mahalaga na makamit ninyo ang proteksyon sa lalong madaling-panahon."
PHOTO/S: Mayor Isko Moreno Facebook / National Task Force Against Covid19 FB

Si UP-Philippine General Hospital Director Dr. Gerardo Legaspi ang unang tumanggap ng Sinovac vaccine ngayong Lunes ng umaga, March 1.

Ang Sinovac ang controversial coronavirus vaccine na gawa sa Beijing, China at tinututulan ng ibang mga Pilipino dahil hindi umano dapat pagkatiwalaan ang mababang efficacy rate ng nabanggit na gamot.

Suot ang puting T-shirt na may tatak na "Vaccine Nation is the Solution," sinaksihan ni Mayor Isko Moreno at ng ibang government officials ang pagtuturok ng Sinovac vaccine sa medical frontliners ng Philippine General Hospital sa Maynila.

Sa kanyang talumpati, hinikayat ni Mayor Isko ang lahat na magpabakuna para sa kaligtasan ng sambayanan.

"Huwag nang ipagkibit-balikat ang sitwasyon natin sa COVID. Remember, if not all of you, most of us, most of you prayed last year na sana magkaroon na ng bakuna. Sa awa ng Diyos, dininig tayo.

"Mga kababayan, andito na ang bakuna, kayo na lang ang hinihintay. Huwag na nating ipangibabaw ang sinasabi ng iilan, ang patuloy nating paniwalaan ay yung sistema.

Continue reading below ↓

"The system will work. Yes, it will have some shortcomings but we as Filipinos must continue to believe in the system," bahagi ng panawagan ni Mayor Isko.

Pinatotohanan ng alkalde na ligtas ang Sinovac, kahit hindi pa niya nasusubukan, dahil inunang bakunahan ang medical frontliners ng PGH.

Ipinagmalaki ni Mayor Isko na nagsimula sa Maynila ang inaasahan at pinapangarap na panatag na pamumuhay ng mga Pilipino dahil nag-umpisa ang COVID vaccination sa siyudad na kanyang pinamumunuan.

May mensahe rin siya para sa mga kababayan nating may pagdududa o nagdadalawang-isip magpabakuna.

Pahayag niya, "I will respect you, your beliefs, your views, but kung ako’y tatanungin ninyo bilang ama ninyo sa lungsod, hinihikayat ko kayo huwag ninyong ipagpabukas, huwag ninyong ipagbakasakali ang kaligtasan ninyo. Mahalaga na makamit ninyo ang proteksyon sa lalong madaling-panahon.

"Vaccination is the solution to the nation. Pagkatapos mabakunahan ang medical frontliners, magpapabakuna ako ng Sinovac.

"Magpapabakuna ako ng bakunang available sa lalong madaling-panahon kapag kami ay pinayagan na ng regulasyon."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Manila Mayor Isko Moreno: "I will respect you, your beliefs, your views, but kung ako’y tatanungin ninyo bilang ama ninyo sa lungsod, hinihikayat ko kayo huwag ninyong ipagpabukas, huwag ninyong ipagbakasakali ang kaligtasan ninyo. Mahalaga na makamit ninyo ang proteksyon sa lalong madaling-panahon."
PHOTO/S: Mayor Isko Moreno Facebook / National Task Force Against Covid19 FB
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results