PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sarah Geronimo or Maine Mendoza: who will have a new show on TV5?

Sarah Geronimo, lilipat na sa TV5?
by Jojo Gabinete
Published Mar 1, 2021
Inakala ng marami na lilipat na sa TV5 si Sarah Geronimo (kaliwa) dahil sa teaser ad ng isang upcoming show ng Kapatid network. Pero ang totoo, si Maine Mendoza (kanan) ang isa sa hosts ng programang ito.
PHOTO/S: Instagram / Mark Nicdao for PEP.ph

May mga nag-akalang lilipat si Sarah Geronimo sa TV5 at siya ang magiging host ng PoPinoy.

Ito ay dahil sa teaser ad ng TV5 na "Pop-Siklaban Na!" na may litrato ni Sarah, at may caption na "PoPahuli ba kayo? Don’t miss this chance. The Popstar Royalty is rooting for you!"

Ang PoPinoy ang search ng TV5 para sa "biggest Pop Boyband" at mapapanood ito simula sa April 2021.

Si Sarah ang ambassador ng isang cellular service company na major sponsor ng PoPinoy kaya ginamit ang litrato niya para sa teaser ad ng upcoming program ng Kapatid network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May exclusive contract si Sarah sa ABS-CBN at mapapanood lamang siya sa TV5 dahil sa ASAP, ang musical-variety show na ipinalalabas din sa Kapatid Network tuwing Linggo.

Ang exclusive contract ni Sarah sa Kapamilya Network ang dahilan kaya mapapanood lamang sa sister company nito, ang streaming service na KTX.ph, at sa VivaMax ang Tala, ang kanyang one-night only at exclusive online film concert sa March 27, 2021.

Para sa kaalaman ng fans ni Sarah na na-excite sa lumabas na teaser ad, walang participation ang kanilang idolo sa PoPinoy.

PoPinoy Hosts

Sina Paolo Ballesteros at Maine Mendoza ang mga host ng nabanggit na talent search show.

Ang PoPinoy ang unang show ni Maine sa TV5.

Wala itong conflict sa GMA Network Inc. dahil talent siya ng Triple A, ang talent management company ng APT Entertainment.

Samantalang blocktimer naman sa Kapuso network ang Eat Bulaga, na produksiyon ng TAPE Inc. at regular noontime program ng TV host-actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inakala ng marami na lilipat na sa TV5 si Sarah Geronimo (kaliwa) dahil sa teaser ad ng isang upcoming show ng Kapatid network. Pero ang totoo, si Maine Mendoza (kanan) ang isa sa hosts ng programang ito.
PHOTO/S: Instagram / Mark Nicdao for PEP.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results