PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bakit J at hindi G ang unang letra sa pangalan ni Jerald Napoles?

Ano ang wish ni Jerald sa kanyang 38th birthday?
by Jojo Gabinete
Published Mar 2, 2021
Jerald Napoles, who is celebrating his 38th birthday today, March 2, on his birthday wish: "Wish ko talagang bumalik sa dati ang mundo para pati ang mundo, makinabang sa birthday wish ko. Gagaan uli ang life for everyone kapag naging okey na ang lahat."
PHOTO/S: @jeraldnapoles on Instagram

Ngayong Martes, March 2, ang 38th birthday ni Jerald Napoles.

Isa lamang ang kahilingan niya para sa kanyang kaarawan—ang bumalik na sa normal ang takbo ng buong mundo na lubhang naapektuhan ng coronavirus pandemic.

Para sa lahat at hindi pangsarili ang birthday wish ni Jerald dahil nakita at naranasan niya ang malungkot at malupit na epekto ng coronavirus pandemic sa sanlibutan.

"Wish ko talagang bumalik sa dati ang mundo para pati ang mundo, makinabang sa birthday wish ko.

"Gagaan uli ang life for everyone kapag naging okey na ang lahat," pahayag ni Jerald.

'J' not 'G' in his name

May interesting explanation ang aktor tungkol sa letter J at hindi sa nakasanayan na letrang G na umpisa ng kanyang pangalan.

Nang isilang si Jerald noong March 2, 1983, ang tiya at hindi ang mga magulang niya ang nagparehistro ng kanyang pangalan.

"Jellyn Guillen" ang pangalan ng tita ni Jerald.

Lingid sa mga magulang ni Jerald, imbes na letter G, ang letrang J ang ginamit ni Jellyn nang iparehistro nito ang pangalan ng kanyang pamangkin para pareho ang unang letra ng kanilang mga pangalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Si Tita po ay nasa Japan nakatira na. Resident na po siya dun. Japanese passport na.

"Her name po is Jellyn Guillen kaya J ang gusto niya!" natawang kuwento ni Jerald tungkol sa kasaysayan ng spelling ng kanyang pangalan.

"Ipinaubaya na lang ni Mama yung name ko sa kanya since close naman talaga sila.

"Saka okey naman din yung letter J sa Jerald po. Maiba lang. Hehehe!

"Tunog sosyal yata sa kanila yung Jerald kaya ganun dahil ipinanganak lang po ako sa barangay center ng Tondo."

Maraming ipinagpapasalamat si Jerald sa bagong yugto ng kanyang buhay dahil bukod sa matatag na matatag ang relasyon nila ng girlfriend niyang si Kim Molina, regular siyang napapanood bilang hurado ng "Versus," isa sa mga popular segment ng It’s Showtime.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Masaya po sa It’s Showtime! Di ko ine-expect na kukunin nila ako bilang hurado sa isa sa mga segment.

"Masaya rin pala talaga sila dun. Magkakapamilya talaga ang turingan nila.

"Nakakahawa ang good vibes. Sana tumagal pa ko dun," ani Jerald.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jerald Napoles, who is celebrating his 38th birthday today, March 2, on his birthday wish: "Wish ko talagang bumalik sa dati ang mundo para pati ang mundo, makinabang sa birthday wish ko. Gagaan uli ang life for everyone kapag naging okey na ang lahat."
PHOTO/S: @jeraldnapoles on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results