Pinoy international fashion designer Rocky Gathercole natagpuang patay sa kanyang bahay sa Quezon City

by Jojo Gabinete
Mar 3, 2021
Filipino international fashion designer Rocky Gathercole was found dead at his house in Diliman, Quezon City, Wednesday afternoon, March 3.

Pumanaw na ang international fashion designer na si Rocky Gathercole ngayong Miyerkules, March 3.

Alas-singko ng hapon nang matagpuan sa second floor comfort room ng kanyang bahay sa Samar Avenue, Diliman, Quezon City, ang lifeless body ni Rocky.

Ito ay ayon sa katiwala ng fashion designer na si Simple, na iyak nang iyak habang kausap ng Cabinet Files.

Ang duda ni Simple, inatake sa puso si Rocky.

At press time, nasa comfort room pa rin ang katawan ni Rocky dahil hinihintay pa ang pagdating ng mga imbestigador.

Sina Britney Spears, Katy Perry, Paris Hilton, at Nicki Minaj ang ilan sa international stars na binihisan ni Rocky.

Rocky Gathercole international muses: Cardi B, Nicki Minaj

Continue reading below ↓

Isang inspirasyon ang buhay ni Rocky dahil mula sa pagiging homeless noong bata pa siya, narating niya ang tagumpay dahil sa kanyang talento.

Ang inspiring life story ni Rocky ang dahilan kaya isinadula ito ng Maalaala Mo Kaya noong July 2017, kung saan si Arjo Atayde ang gumanap sa karakter niya.

Arjo Atayde as Rocky Gathercole in MMK life story

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Filipino international fashion designer Rocky Gathercole was found dead at his house in Diliman, Quezon City, Wednesday afternoon, March 3.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results