PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Katrina Velarde undergoes cosmetic surgery

Katrina Velarde, hindi itinatanggi ang pagpaparetoke muli.
by Jojo Gabinete
Published Mar 10, 2021
Ibinahagi ni Katrina Velarde sa Facebook ang litrato niya habang sumasailalim sa cosmetic surgery, isang patunay na hindi hindi niya itinatago sa publiko ang pagpaparetoke muli.
PHOTO/S: Katrina Velarde Facebook

Sa mismong second solo major concert niyang SiKati2 sa New Frontier Theater noong November 29, 2019, inamin ni Katrina Velarde na nagpaayos siya ng ilong.

Itinuro pa nga niya sa audience gallery ang doktor na nag-opera sa kanya.

Pinatunayan ni Katrina na mali ang akala ng ibang mga taong nakakaapekto sa boses at sa pagkanta ang rhinoplasty (nose surgery) dahil walang ipinagbago ang singing voice niya.

Buong-buo ang boses ni Katrina at kayang-kaya pa rin niyang abutin ang matataas na nota habang kumakanta kaya standing ovation ang tinanggap niya noon mula sa manonood.

Noong March 6, 2021, nag-post si Katrina sa Facebook page nito ng litrato niya habang nakahiga siya sa operating table.

Caption niya rito: "Tinotoo ko na po ang chismis. It’s a konpirm. Hindi na po road to robot dahil ganap na robot na! Hahahha!”

Facebook Post: Katrina Velarde rhinoplasty surgery

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinabukasan, March 7, muling nag-post si Katrina ng larawan nila ng kanyang mga kasama.

Mapapansin ang pamamaga ng mukha niya at ang plaster na nakabalot sa ilong niya na palatandaan ng muling pagsailalim ng Born To Be A Star judge sa cosmetic surgery.

Facebook Post: Katrina Velarde after hinoplasty surgery

Nagpadala kami ng mensahe kay Katrina sa pamamagitan ng handler niya para mainterbyu siya tungkol sa kanyang “beautification project,” pero magalang na tumanggi ang talented singer na binansagang "Suklay Diva."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayaw nang magsalita ni Katrina tungkol sa procedure na pinagdaanan na hindi naman umano niya itinatanggi kaya naglabas siya ng mga litrato sa kanyang Facebook page.

Ang resulta ng surgery at ang before-and-after photos ni Katrina ang inaabangan ng fans at supporters niya dahil excited silang makita ang pagbabago sa kanyang hitsura.

Hinihintay ng followers ni Katrina ang susunod na social media post nito at alam nilang hindi sila mabibigo dahil generous ang singer sa pagbabahagi sa kanyang fans ng mga nangyayari sa career at personal na buhay niya.

HOT STORIES

Read Next
Read More Stories About
Katrina Velarde, hardcore fans
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ibinahagi ni Katrina Velarde sa Facebook ang litrato niya habang sumasailalim sa cosmetic surgery, isang patunay na hindi hindi niya itinatago sa publiko ang pagpaparetoke muli.
PHOTO/S: Katrina Velarde Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results