Bukod sa title na Comedy Queen, "Unbothered Queen" ang isa pang tawag kay Ai-Ai delas Alas dahil hindi na siya pumapatol at hindi na nagpapaapekto sa mga social media basher niya.
Pero kinalimutan muna ni Ai-Ai ang pagiging "Unbothered Queen" dahil sa isang netizen na nagkomento sa Facebook page ng Teacher Be Like, na nag-post ng graduation pic ng anak ng aktres at binati ang bagong achievement ni Sophia.
Komento ng netizen na may pangalang Alvin Supangan, "Kala mo naman kung ipangalandakan ni Aiai doctor o lawyer ang anak nya eh 6 months course lang naman dito yan, vocational course, mag-aalaga lang naman ng mga anak ng mga magulang na iniiwan sa day care center kasi nga papasok sa work ang mga magulang."
ai-ai On Sophia's basher
Hindi ito pinalampas ni Ai-Ai dahil nasaktan daw siya para sa kanyang mga anak, sa mga guro, at sa mga estudyante ng vocational courses.
Pahayag ni Ai-Ai sa Cabinet Files, “Siyempre, proud ako sa anak ko kaya nag-post ako ng graduation picture niya.
"Kahit Unbothered Queen ako, papatulan ko ang basher dahil proud ako kay Sophia. Ako ang nagtaguyod sa kanya at napagtapos ko siya sa La Salle.
“Bachelor of Science Major in Early Child Education ang course ni Soph dahil gusto niyang maging teacher siya at magturo ng mga bata. Kung walang mga teacher, walang mga lawyer at mga doktor.
"Basta ang mahalaga, nakapagtapos ka ng pag-aaral. Hindi naman ito contest kung sino ang magaling.
“Three years na nag-aral ang anak ko. Bakit tatlong taon? Kasi trimester ang pag-aaral sa La Salle at vocational course man o hindi, hindi dapat nilalait ang mga nag-aral ng vocational course dahil pinaghirapan nila ‘yon.”
May mensahe rin si Sophia para taong nagmaliit sa kanya, sa mga guro at sa kurso niya.
Aniya, “Stop degrading educators because they are the most important members of the society. Without early educators, or educators in general, people will grow up like you sir, tactless and ignorant.”
