PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gardo Versoza refuses to talk about politics

Gardo, gustong makausap ang mga kaluluwa ng kanyang ina at ni Christine Dacera.
by Jojo Gabinete
Published Mar 17, 2021
Gardo Versoza on his bad side: "Masarap siya kapag ginagawa sa rules, yun ang thankful ako. ‘Yan yung, like, parang sinasabi mo nga na may good side tayo, may bad side. So, like yung real life, mahirap gawin yung mga dark side natin, mahirap ilabas."

Lumitaw na may mga ayaw si Gardo Versoza sa pulitika sa ating bansa, pero pinili niyang huwag magkuwento dahil sa kanyang sariling salita, "baka mailigpit ako."

Nabanggit ni Gardo ang pulitika nang tanungin siya sa virtual presscon ng Biyernes Santos ngayong Miyerkules, March 17, tungkol sa kanyang “bad side” na gusto niyang baguhin.

Hindi itinanggi ni Gardo ang pagkakaroon niya ng maraming bad side, pero nakontrol niya ang sarili sa pagsasalita.

Sabi ng aktor, "Masarap siya kapag ginagawa sa rules, yun ang thankful ako. ‘Yan yung, like, parang sinasabi mo nga na may good side tayo, may bad side.

"So, like yung real life, mahirap gawin yung mga dark side natin, mahirap ilabas.

"Unlike sa roles, dun mo naibubuhos lahat, kung ano yung mga hindi mo nagagawa. Dun mo siya nare-release, yun ang masarap.

"Meron din, marami ring bad side, lalo na yung regarding sa pulitika. Kaya lang, mahirap, e, baka mailigpit ako bukas!” ang pahayag ni Gardo na sinundan niya ng pagtawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

IF HE CAN TALK TO SPIRITS

May kinalaman sa espiritu ang kuwento ng Biyernes Santo.

Kung pwedeng magkaroon ng komunikasyon sa kaluluwa ng mga namayapa, ang kanyang ina at ang flight stewardess na si Christine Dacera ang dalawa sa mga nais makausap ni Gardo.

"Gusto ko sanang makausap yung nanay ko. Sasabihin ko sa kanya na nami-miss ko na siya, and itatanong ko kung kumusta ba ang mga kaganapan sa kabilang-buhay.

"Kung totoo bang may heaven, may hell. Kung ano yung mga hindi naeesplika dito sa atin, kumbaga, mabigyan ng linaw kapag tinanong ko sa kanya."

Sabi pa niya, "Pwede bang tanungin yung flight attendant kung sino yung nasa kabilang kuwarto? Kasi laging yung isang kuwarto lang ang nababanggit.

"Kung saka-sakali, yun sana ang gusto kong tanungin, kung sino yung laman ng kabilang kuwarto, curious lang ako."

Ang Biyernes Santo ang unang movie project ni Gardo bilang contract star ng Viva Artists Agency.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Excited siya sa pagsisimula ng streaming ng kanyang pelikula sa VivaMax sa March 26 dahil bilib na bilib siya sa kanilang direktor na si Pedring Lopez.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gardo Versoza on his bad side: "Masarap siya kapag ginagawa sa rules, yun ang thankful ako. ‘Yan yung, like, parang sinasabi mo nga na may good side tayo, may bad side. So, like yung real life, mahirap gawin yung mga dark side natin, mahirap ilabas."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results