PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Willie Revillame, hinihikayat ni Pangulong Duterte tumakbo sa 2022

Litrato ni Willie kasama si Pangulong Duterte, kumalat sa social media.
by Jojo Gabinete
Published Mar 18, 2021
Kumalat ngayong araw, March 18, ang mga larawan ni Willie Revillame kasama ni Pangulong Rodrigo Duterte. Kuha ang mga larawang ito noong March 16 sa Malacanang Palace, kung saan nagsalo sila sa isang simpleng hapunan kasama si Senator Bong Go.

Nagkaroon ng hinala at espekulasyong may plano si Willie Revillame na kumandidato sa national elections sa 2022 dahil sa paglabas ng mga litrato niya kasama sina President Rodrigo Duterte at Senator Bong Go ngayong Huwebes, March 18.

Nalaman ng Cabinet Files mula sa isang nakakaalam sa kuwento na naganap ang simpleng hapunan—isda, sitaw, at talong—ng tatlo sa Malacañang Palace noong Martes, March 16.

Tumagal daw ng apat at kalahating oras ang kanilang pag-uusap.

Willie Revillame with President Duterte and Bong Go

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Willie Revillame (right) with President Rodrigo Duterte (left) and Senator Bong Go (center)

Diumano, pinapanood ng Pangulo ang Wowowin, ang game at public service program ni Willie sa GMA-7.

Alam daw ni Duterte ang pagtulong na ginawa ng popular TV host sa mga jeepney drivers na nawalan ng trabaho dahil sa coronavirus pandemic, at sa mga kababayan natin sa Catanduanes, Marikina, at Montalban na sinalanta ng mga super typhoon noong nakaraang taon.

Ang araw-araw na pagtulong ni Willie sa mga kababayan nating nangangailangan, sa pamamagitan ng Wowowin, ang pangunahing dahilan kaya inimbitahan siya ng Pangulo sa Palasyo para personal na pasalamatan.

Para kay Duterte, malaking tulong sa pamahalaan ang ginagawa ni Willie sa mga mahihirap na Pilipino.

Sinabi ng Cabinet Files source na tinanong ng Pangulo si Willie kung pwedeng tumulong ito (read: kumandidato) sa mas malaking paraan upang matulungan niya ang bansa.

Sagot daw ng TV host, "Pag-iisipan kong mabuti. Ipagdarasal ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa tuwing panahon ng halalan sa ating bansa, hindi nawawala ang pangalan ni Willie sa mga hinihimok kumandidato.

Pero hindi niya maiwanan ang Wowowin at ang viewers nito, lalung-lalo na ang mga senior citizen at mga person with disability na malapit sa kanyang puso.

Hindi madali para kay Willie basta na lamang talikuran ang Wowowin dahil iniisip niya ang kapakanan ng kanyang production staff, televiewers, at ang 22.3 million social media subscribers (Facebook, Twitter, at YouTube).

Itinakda ng Commission on Elections sa October 1 hanggang October 8 ang filing of candidacy para sa lahat ng elective positions sa national at local elections sa May 9, 2022.

Ang magiging desisyon ni Willie sa Oktubre ang tututukan ng kanyang fans at followers. Kapag pinili niyang kumandidato, mapipilitan siyang iwanan ang Wowowin at magiging dahilan para mawala ito sa telebisyon.

Kung susundin ni Willie ang sinabi ng Pangulo na tumulong ito sa mas malaking paraan upang makatulong sa bansa, dalawang posisyon ang napapabalitang pwede niyang pagpilian—ang maging running mate (Vice President) ni Davao City Mayor Sara Duterte, na maugong na tatakbo bilang presidente, o kakandidato siyang senador.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nahaharap si Willie sa malaking dilemma dahil nang lumabas ang mga larawan nila ni Duterte, may mga nagtatanong kung maaatim ba niyang iwanan ang Wowowin at makakatulog ba siya nang mahimbing, kung sakaling magpasya ang TV host na kumandidato para sa mataas na posisyon sa gobyerno sa susunod na taon.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kumalat ngayong araw, March 18, ang mga larawan ni Willie Revillame kasama ni Pangulong Rodrigo Duterte. Kuha ang mga larawang ito noong March 16 sa Malacanang Palace, kung saan nagsalo sila sa isang simpleng hapunan kasama si Senator Bong Go.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results