PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lead star contract renewal show season break

Show ng lead star, isang buwan munang magpapalabas ng replay episodes.
by Jojo Gabinete
Published Mar 22, 2021
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Walang kinalaman ang coronavirus pandemic sa pagpapalabas ng replay episodes ng isang TV show sa loob ng isang buwan.

Magkakaroon ng season break ang programa na labing-isang taon nang sinusubaybayan sa telebisyon.

Kasabay ng season break ng show ang expiration ng kontrata ng lead star.

Naniniwala ang mga katrabaho ng lead star na ire-renew ng network ang kanyang kontrata dahil rater ang lahat ng mga programa nito.

Nevertheless, ipinagdarasal ng mga sangkot sa show ang maayos na negosasyon sa pagitan ng lead star at ng network management dahil nakasalalay ang kanilang trabaho at kinabukasan.

May hatid na good vibes ang TV shows ng lead star. Namamayagpag ang mga ito sa ratings at pinapanood, kahit replay ang mga episode.

Hindi rin nakaapekto ang coronavirus pandemic sa show dahil sinubaybayan pa rin ito ng televiewers.

Malaki ang posibilidad na i-reformat ang programa kapag nagsimula ang bagong season dahil may planong dagdagan ang cast members at maaaring may mawala rin para sa fresh start ng show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results