Newcomer Rob Gomez, ibinahagi ang payo na ibinigay sa kanya ng inang si Kate Gomez at uncle na si Gary Estrada

by Jojo Gabinete
Mar 23, 2021
Rob Gomez: "Acting is a craft and I want to learn. I want to be a great actor, do my best as an artist."
PHOTO/S: Facebook

Ngayong Martes, March 23, ang 24th birthday ng showbiz newcomer na si Rob Gomez.

Memorable ito dahil sa kauna-unahang pagkakataon, mararanasan niyang mainterbyu sa PEP Spotlight sa mismong araw ng kanyang kapanganakan.

Makakasama ni Rob sa PEP Spotlight interview si Alexa Miro, ang leading lady niya sa A Girl and A Guy, ang UPSTREAM.ph Original na mula sa direksiyon ng multi-awarded director na si EriK Matti.

Dahil first-time interviewee, aminado si Rob na kinakabahan, kahit nagmula siya sa showbiz family.

Si Rob ay anak ng former actress na si Kate Gomez, pamangkin ni Gary Estrada, at lolo niya ang namayapang aktor na si George Estregan.

Suportado nina Kate at Gary ang pagpasok ni Rob sa showbiz, at hindi nagkulang ang magkapatid sa pagbibigay sa kanya ng mga payo.

"Best advice they gave me both was to stay humble and always be respectful. Matutong makisama sa lahat.

"Bawat tao sa set ay importante. People behind the camera are the people that make you shine because when you keep your head on the ground, you never know how for you could go.

Continue reading below ↓

"Reach the stars they said. Strive for greatness. Earn respect, be polite, and never be tardy," sabi ni Rob sa panayam sa kanya ng Cabinet Files.

Malaki ang pasasalamat ni Rob sa nanay niya at kay Gary dahil sa maayos na pagpapalaki sa kanya.

Kung anuman siya ngayon, malaki umano ang utang na loob niya sa kanyang ina at tiyo.

"We are super close. I love my family. My tito and mom always try their best to be together.

"I am the man I am today because of all of them. I thank them a lot for everything.

"I want them to be as proud as I am of them. In my world, family comes first."

1997 nang isilang si Rob kaya hindi na niya naabutan ang kanyang Lolo George (Jorge Ejercito in real life) na namatay noong August 1988. Pero pinanood at pinag-aralan niya ang mga lumang pelikula ng kanyang lolo.

Continue reading below ↓

Sabi niya, "I have seen and studied some of his films.

"He’s a multi-awarded actor who can portray various kinds of roles. A true essence of an actor.

"It would have been an honor and I really wish I could have met him."

LAUNCHING MOVIE

Ang A Girl and A Guy ang launching movie ni Rob.

Umaasa siyang ito ang magbibigay sa kanya ng mga oportunidad bilang aktor dahil gustung-gusto niya ang pinasok na propesyon.

Saad niya, "I hope A Girl and A Guy will open more doors and greater opportunities for my career. It’s my first movie so everything feels new and daring.

"Acting is a craft and I want to learn. I want to be a great actor, do my best as an artist.

"It’s a movie about millennial realism and I’m excited to show what I can bring to table and, hopefully, venture into action-drama films like Tito Gary, Lolo Jorge, and Lolo Joseph [Estrada, former Philippine president] had back in the day."

Continue reading below ↓

Sa April 2021 ang streaming sa UPSTREAM.ph ng A Girl and A Guy, at ito ang una sa tatlong pelikula na idinirek ni Erik.

Susundan ang A Girl and A Guy ng Rabid, ang suspense-thriller movie na pinagbibidahan ng mga baguhang artista sa pangunguna ng college basketball superstar na si Ricci Rivero, Kent Gonzales, Vance Larena, Ayeesha Cervantes, Pam Gonzales, Ameera Johara, Ynigo Delen, Jay Glorioso, at ng comedienne na si Donna Cariaga.

Ang much-awaited at hard action movie na On The Job: The Missing 8 ang pangatlo sa proyekto ni Erik na mapapanood din sa UPSTREAM.ph.

Powerhouse cast ng On The Job: The Missing 8 sina John Arcilla, Dennis Trillo, Dante Rivero, Lotlot de Leon, Christopher de Leon, Andrea Brillantes, Leo Martinez, Agot Isidro, Eric Fructuoso, Vandolph, Wendell Ramos, Megan Young, Isabelle De Leon, at Levi Ignacio.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rob Gomez: "Acting is a craft and I want to learn. I want to be a great actor, do my best as an artist."
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results