PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pagbahagi sa social media ng kundisyon ng pasyente nang walang pahintulot, labag ba sa Data Privacy Act?

Sino ang may karapatang magbahagi ng kondisyon ng isang may karamdaman?
by Jojo Gabinete
Published Mar 26, 2021
Metro Manila hospitals close OPD, COVID-19 cases
PHOTO/S: lcp.gov.ph

Dapat malaman ng lahat—artista man o ordinaryong mamamayan—na may paglabag sa Republic Act 10173 o Data Privacy Act of 2012 kapag naglabas o nag-post sila sa social media ng mga impormasyon tungkol sa karamdaman ng isang tao nang walang anumang pahintulot mula sa pamilya ng may karamdaman.

Ito ang depinisyon ng Data Privacy Act of 2012:

“An act protecting individual personal information in information and communications systems in the government and the private sector, creating for this purpose a national privacy commission, and for other purposes.”

Saklaw ng Section 1 ng General Provisions ng batas ang mga sumusunod:

"Sensitive personal information refers to personal information: (1) About an individual’s race, ethnic origin, marital status, age, color, and religious, philosophical or political affiliations;

"(2) About an individual’s health, education, genetic or sexual life of a person, or to any proceeding for any offense committed or alleged to have been committed by such person, the disposal of such proceedings, or the sentence of any court in such proceedings."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SINO ANG MAY KARAPATANG MAGSALITA PARA SA PASYENTE?

May mga taong nakakalimutan ang responsibilidad na bigyan ng respeto at dignidad ang mga may sakit dahil meron sa kanilan gayaw ipabatid sa publiko ang mga karamdaman nila.

Madalas na nangingibabaw ang emosyon kaya may mga taong ipinu-post agad sa social media ang kanilang mga saloobin.

Pero importanteng malaman ng lahat kung sino ang may karapatang mag-anunsiyo sa publiko ng kalagayan ng isang tao—public figure man o hindi—na may karamdaman.

Nakipag-ugnayan ang Cabinet Files sa isang doktor ng Philippine Heart Center para mabigyang-linaw ang tungkol dito.

Sino nga ba ang pwedeng magsalita tungkol sa sakit at kalagayan ng isang pasyente?

"Nobody," sagot ng Philippine Heart Center doctor na nakausap ng Cabinet Files ngayong gabi.

"Nobody, kahit na doktor can’t announce anything about the illness of the patient, unless sanctioned siya ng family.

"Halimbawa, ang pamilya may in-assign na isang tao either a lawyer or the doctor to announce yung condition ng pasyente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Medyo may gray zone kasi. Kung ayaw ng pamilya na ipa-announce at alam ng sangkot na ayaw ipa-announce, pero nag-a-announce pa rin siya, that is a different thing.

"Kung wala naman ipina-announce yung family na bawal, yun ang gray zone.

"Alam mo naman yung Pilipino, kahit na sino, basta may makitang problema o sakit, ‘Please pray for him.’"

Para higit na maunawaan ang kanyang paliwanag, binanggit ng doktor ang Data Privacy Law.

Aniya, “Sa Data Privacy Law, nobody is allowed to divulge anything na hindi in-allow ng pasyente at ng pamilya.

“Kahit kaming mga doktor, hindi pwedeng magsabi unless binigyan kami ng permiso ng maysakit o ng kanyang pamilya.

"Kahit nga kami, hindi kami pwedeng magsabi sa ibang tao unless na papayagan kami."

Dagdag niya, "Yung post nang post sa FB, yung nakaratay na, hindi maganda ‘yon.

"Kahit na sinong tao, hindi pwedeng magsabi ng kondisyon ng isang pasyente.

"Kahit kaming mga doktor, kapag meron kaming sasabihin na sakit, una naming tatanungin kung halimbawa, medyo serious na case, tatanungin pa namin ang family, 'Sasabihin ba namin sa pasyente kung anong sakit niya? Hanggang kanino ninyo gustong ipaalam ang sitwasyon? Kapag may ibang tao, okey lang bang pag-usapan natin dito na may kaharap na iba?'

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kasi, ang pinakaimportante at dapat na makaalam ng kundisyon, yung pasyente at saka yung immediate family—yung asawa, magulang, kapatid, anak.

"Sa una, asawa, sumunod anak. Kung walang pamilya, magulang. Kung walang magulang, kapatid.

"Beyond that, wala nang ibang legal na pwedeng magsalita.

"Kahit close friend, hindi pa rin pwede.

"'Yan ang sinasabi ko na gray zone., kung may go signal siya mula sa pamilya."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: lcp.gov.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results