Memorable ang buwan ng Marso para sa mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo dahil sa mga mahahalagang kaganapan sa kanilang buhay.
Kahapon, March 26, ang 31st birthday ni Matteo at ipinagdiwang nila ito ni Sarah sa pamamagitan ng groundbreaking para sa kanilang ipapatayong bahay sa Peninsula De Punta Fuego sa bayan ng Nasugbu, Batangas.
Ang administrator ng Facebook page ng Nasugbu, Batangas, ang naglabas ng mga litrato nina Sarah at Matteo na may caption na “Spotted: Mr.& Mrs. Guidicelli groundbreaking their future home at Peninsula De Punta Fuego earlier…”
Tala, The Film Concert
Hindi lamang ang kaarawan ni Matteo at ang groundbreaking ang important life events sa mahigit isang taon na pagsasama nila ni Sarah bilang mag-asawa, dahil ngayong gabi, March 27, ang streaming sa ktx.ph ng Tala,The Film Concert, ang first- ever digital show ng singer-actress.
Si Matteo ang special guest ni Sarah at ito ang unang pagkakataon na mapapanood sila na magkasama sa isang concert.
“She worked extremely hard for this show because her goal was to really produce something extra special for her audience and I personally witnessed how she creatively collaborated with her team,” ang Instagram post ni Matteo tungkol sa concert ng kanyang asawa na may intensyon na magbigay ng pag-asa sa lahat sa panahon ng pandemya.
View this post on Instagram
Si Paul Basinillo ang direktor, musical director si Louie Ocampo, at si Teacher Georcelle Dapat-Sy ang choreographer ng Tala, The Film Concert.
Ayon kay Paul, nag-mature na si Sarah bilang performer at ito ang tiyak na mapapansin ng lahat ng mga manonood ng concert.
“She has matured as an artist and as a performer. She knows what she wants but at the same time, she also listens to us being seasoned professionals.
"I think she would eventually turn into a really good artist/producer in the near future. I’m hoping to collaborate with her more in any capacity.”