PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ano ang mga kailangang malaman ngayong ECQ 2021?

ecq reaction
by Jojo Gabinete
Published Mar 27, 2021
Harry Roque COVID-19 positive
Paalala ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga mamamayan ngayong ECQ 2021, “Huwag na po kayong mag-panic kasi hindi naman ito unang karanasan natin sa ECQ."
PHOTO/S: Presidential Communications Operations Office

Nakakapagod maging ordinaryong Pilipino ang reaksyon ni Francine Prieto sa balita na muling ipatutupad ang Enhanced Community Quarantine ( ECQ) sa National Capital Region at sa mga kalapit nitong probinsya para mapigil ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Hindi naawat ni Francine na maglabas ng saloobin dahil hindi na siya natutuwa sa mga nangyayari.

“Ang nakakainis talaga ay para ulit tayong March 2020. Ang tanging gagawin nalang sana, gayahin yung other countries paano nila na-handle ng maayos ang pandemic. Kaso hindi pa rin nagawa.

“Hindi mo rin masisisi ang mga tao kung nasa labas na sila dahil isang taon na ‘to, 'tapos ilan palang nakapag-vaccine, ‘yun lang naman ang solusyon nila di ba?

“Hindi pa nga natin alam kung ilang taon bago ka makapag-vaccine, sa bagal nilang kumilos. Bukod pa sa ang mga taga-gobyerno ang nangungunang mag-violate ng mga laws nila.

“Nakakatawa, nakakainis, nakakaiyak.... iyan na lang talaga maramdaman mo sa mga nangyayari sa bansa natin. Nakakapagod maging ordinaryong Pilipino,” ang mga disappointment ni Francine na inilabas nito sa kanyang Facebook post, ilang minuto matapos kumalat ang balita tungkol sa muling pagpapatupad ng ECQ sa National Capital Region at sa mga karatig-lalawigan nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang “mag-BFF" na sina Laguna Governor Ramil Hernandez at Cavite Governor Jonvic Remulla ang unang nagpakalat ng balita tungkol sa pinaplanong ECQ mula March 28 hanggang April 4.

Pero sa official announcement ng Malacanang Palace, magsisimula sa March 29 ang ECQ para makapaghanda ang mga residente ng mga apektadong lugar.

ECQ Guidelines

Ang mga sumusunod ang ilan sa mga pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque tungkol sa mga ipatutupad na patnubay sa anim na araw na paiiraling ECQ sa NCR+ bubble (Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal).

1. Bukas ang mga pampublikong transportasyon, kahit ECQ pero bababa ang kapasidad na ilalabas ng Department of Transportation.

2. Ipinagbabawal ang pagtitipon ng mahigit sampung katao sa labas ng kanilang mga pamamahay, pati ang naunang pagpayag ng gobyerno na magbukas ang mga simbahan para sa mga nais magsimba.

3. Pinapayuhan na immediate household members lamang na hindi lalampas sa sampu ang maaaring dumalo sa kasal, libing at binyag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

4. Hindi puwedeng lumabas ang mga may edad na 65 pataas at below 18-years-old, pati ang mga buntis, may comorbidity at ibang health risks.

5. Pinaigting ang curfew hours na mag-uumpisa ng 6 pm hanggang 5 am.

Hindi sakop ng curfew ang mga manggagawa, cargo vehicles, at public transportations pero mahalaga na magdala ng ID bilang patunay na kailangan nilang lumabas. Hindi na kailangan ng travel pass.

6. Mananatilng bukas ang mga mall para sa mga essential store gaya ng supermarkets, drug at hardware stores. Papayagang magbukas ang mga restaurant para sa take-out at deliveries. Hindi na puwede ang mga dine-in, kahit al fresco o sa labas ng mga restaurant.

7. Bukas ang mga public at private hospital, health at emergency frontline services, manufacturers of medicine, medical supplies, devices at medical equipment, agriculture, forestry at fishery.

Nang kumalat ang balita na muling sasailalim sa ECQ ang National Capital Region, maraming insidente ng panic buying ang nangyari nitong Sabado nang hapon pero iginiit ng Malacanang Palace na walang dahilan para mangamba ang sambayanang Pilipino.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Huwag na po kayong mag-panic kasi hindi naman ito unang karanasan natin sa ECQ.

"Sa ECQ po, bukas lahat ng supermarkets, bukas ang palengke, bukas ang convenience stores at sinisigurado po ng DA at ng DTI na sapat po ang mga bilihin sa lahat ng ating merkado.

"Wala pong dahilan para mag-panic buying. Hindi po tayo mauubusan dahil bukas naman po ang mga merkado,” paalaala ni Roque.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paalala ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga mamamayan ngayong ECQ 2021, “Huwag na po kayong mag-panic kasi hindi naman ito unang karanasan natin sa ECQ."
PHOTO/S: Presidential Communications Operations Office
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results