May testimonya si Gabby Eigenmann na angkop sa Holy Week—ang mga biyaya at milagro na tinanggap niya mula sa Panginoon dahil sa kanyang taimtim na paniniwala sa May-Kapal at sa kapangyarihan ng dasal.
Naranasan ni Gabby na matagal na mawalan ng trabaho noong 2011, at imbes na tuluyan na maubusan ng pag-asa, nagdasal siya nang labis sa Diyos.
"Very prayerful naman ako na tao ever since I was young.
"But there was one time, dumating sa point na matagal ako na nawalan ng trabaho.
"I was technically losing hope. Kailan ba ako magkaka-work ulit?
"Matagal talaga, hindi ko lang maalaala kung gaano katagal pero it came to a point na sobrang na-depress ako," umpisa ng kuwento ni Gabby tungkol sa pagsubok na pinagdaanan niya noon.
"And I prayed. Like, I really prayed so hard because I need to put food on the table. I need to support my family that’s why I prayed so hard."
May dumating na oportunidad na mangibang-bansa sana si Gabby, pero hindi raw niya tinanggap iyon.
Paliwanag niya: "And then I was offered a television series in Indonesia for two years. Pero my kids, toddlers pa lang, hindi ko kaya sila na iwan. Talagang family person talaga ako. Hindi ko sila kayang iwan.
"So sabi ko, 'Huwag na lang. Bahala na. Tingnan na lang natin kung may offer uli, kung may trabaho pa dito.'
"So I rejected that offer, sa Indonesia and I prayed and I prayed. I even cried while I was praying."
Answered Prayers
Hanggang sa wakas ay nagkaroon daw siya ng offer na magbalik-teleserye sa GMA Network.
"Then God showed me a sign. Two days after I prayed habang umiiyak, I received a call from my manager.
"There’s this soap opera, tinatanong ako kung available ba ako, kung puwede ba ako sa project na ‘yon.
"Fast forward, it was Munting Heredera. And then, icing on the cake, that Munting Heredera project gave me my first acting award."
Ang Munting Heredera ang top-rating drama series ng GMA-7 na napanood sa telebisyon noong May 2011 hanggang February 2012.
Si Gabby ang nanalo na Best Supporting Actor in a Drama Series ng Enpress Golden Screen Awards dahil sa pagganap niya bilang Desmond Montereal sa Munting Heredera.
Mula noon, nagkasunod-sunod na ang mga television assignment ni Gabby.
Nabigyan din siya ng oportunidad na magbida sa Kapuso afternoon drama series na Dading noong 2014.
Sabi ni Gabby: "Sobrang blessing talaga ‘yon. From then on, tuluy-tuloy na.
"Walang maraming hindi nakakaalam pero prayers really worked wonders.
Kahit minsan, hindi raw nabawasan o nawala ang tiwala niya sa Panginoong Diyos.
Muling mapapanood si Gabby sa “#Future" episode ng I Can See You, ang drama anthology ng GMA-7 na mag-uumpisa sa Lunes, April 5.