Hanggang ngayong gabi, popular search sa social media ang pangalan ng female baranggay official na sumita at nangaral sa Grab food delivery driver na si Marvin Ignacio.
Kaugnay ito ng pagdeklara ng lady official na hindi essential food ang lugaw.
Walang binanggit na pangalan si Marvin sa mga interbyu sa kanya ng mga news program at ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Kaya labis ang pagtataka niya dahil nagawa ng mga imbestigador na netizens na malaman ang pangalan ng babae at magkaroon ng kopya ng mga litrato nito.
Ang lumantad ang lady official at aminin nito ang pagkakamali nang sabihing hindi essential food ang lugaw ang naghihimagsik na hamon ng netizens na apektadong-apektado sa pang-aapi na ginawa sa lugaw.
May mga social media post na lumabas na tinanggal na ang female barangay official bilang taga-pamahala sa Violence Against Women and Children sa kanilang barangay sa San Jose del Monte Bulacan.
Pero ayon kay Marvin, fake news ang balita.
Kinumpirma ni Marvin na deactivated na ang Facebook account ng lady official kaya mga pekeng account ang pinagpipistahan ngayon ng netizens.
Matitindi ang mga batikos at panghuhusga na natatanggap ng lady official mula sa netizens na dapat maghunos-dili at magkaroon ng puwang sa puso ang pagpapatawad, alang-alang sa paggunita sa Semana Santa.
Maging maingat din ang netizens sa pagsusulat ng mga komento sa mga fake Facebook account na naglipana dahil parang niloko rin nila ang mga sarili.
Incidentally, nagsara kahapon, March 31, ang Lugaw Pilipinas, ang tindahan na pinagkunan ni Marvin ng lugaw dahil natakot ang may-ari sa banta ng mga barangay tanod at mga pulis.
Ngayong Huwebes, April 1, muling nagbukas ang tindahan ng lugaw due to insistent public demand.
Ayon kay Marvin, dumami ang take-out at delivery orders sa tindahan ng lugaw at siya ang hinihiling ng mga kostumer na maghatid.
Nakatanggap din si Marvin ng alok na isang buwan na libreng supply ng lugaw para sa pamilya niya at chest bags para sa riders dahil sa kanyang paninindigan na essential food ang lugaw.
Indeed, every cloud has a silver lining!