PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ai-Ai delas Alas and Gerald Sibayan mark seventh anniversary

Gerald calls wife Ai-Ai "my forever date."
by Jojo Gabinete
Published Apr 12, 2021
Gerald Sibayan to wife Ai-Ai delas Alas: "Happy 7th Anniversary may forever date I Love You so much darl."
PHOTO/S: @gerald_sibayan Instagram / Ai-Ai delas Alas

Ang ipinatupad na Enhanced Community Quarantine noong March 29 hanggang April 11, 2021 ang dahilan kaya hindi natuloy ang Boracay vacation ni Ai-Ai delas Alas at ng kanyang asawang si Gerald Sibayan.

Si Ai-Ai ay 56 years old, habang si Gerald ay 27 ang edad.

Kahapon, April 11, ang dapat na araw ng biyahe nina Ai-Ai at Gerald patungo sa Boracay dahil dito nila sana ipagdiriwang ang 7th anniversary ng kanilang relasyon.

Pero nagbago ang lahat ng plano ng mag-asawa dahil sa ECQ quarantine classification sa Metro Manila at mga kalapit na probinsiya.

Ngayong Lunes, April 12, ang ika-pitong anibersaryo nina Ai-Ai at Gerald mula nang sila ay maging magkarelasyon.

Bilang mag-asawa noong December 12, 2020 ay nagdiwang sila ng kanilang ikatlong anibersaryo.

At dahil napurnada ang kanilang Boracay trip, sa bahay na lamang nila ipinagdiriwang ang kanilang 7th anniversary. Magluluto na lamang ang Sibayan couple ng mga pagkain.

"Ngayong pandemya, mas minahal namin ni Gerald ang isa’t isa dahil ito ang realization namin na pinakamahalaga sa panahon ngayon at lalong kumapit sa Panginoong Diyos dahil Siya ang sandalan namin ngayon," saad ni Ai-Ai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito naman ang anniversary message ni Gerald kay Ai-Ai: "Mahal na mahal kita. Hindi kita pababayaan at gagawin ko ang lahat para maging madali ang lahat para sa ’yo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

AI-AI YOUTUBE CHANNEL

Ang naudlot na Boracay vacation nila ni Gerald ang naging daan kaya napagtuunan ng atensiyon ni Ai-Ai ang kanyang YouTube Channel na hindi niya masyadong naasikaso nang magkaroon ng coronavirus pandemic.

Ang "C.H.I.N" o "Cooking in the House ng Ina N’yo" ang pamagat ng unang entry ni Ai-Ai sa kanyang YouTube Channel para ngayong taon.

Ibinahagi niya ang recipe para sa kanyang two-piece butter milk chicken.

At para mabigyan ito ng katarungan at haluan ng katatawanan, two-piece bikini ang kanyang suot habang nagluluto.

Nagpakatotoo si Ai-Ai sa paliwanag nitong two-piece ang outfit niya para pamparami ng viewers.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gerald Sibayan to wife Ai-Ai delas Alas: "Happy 7th Anniversary may forever date I Love You so much darl."
PHOTO/S: @gerald_sibayan Instagram / Ai-Ai delas Alas
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results