PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

L.A. Mumar on why he remains unvaccinated

L.A. Mumar: "Should i skip the line cause my brother is a Mayor?"
by Jojo Gabinete
Published Apr 13, 2021
Sinagot ng basketball coach at pastor na si L.A. Mumar (kanan) ang tanong kung bakit di pa siya nababakunahan ng COVID-19 vaccine gayong mayor ng Pasig City ang kanyang nakababatang kapatid na si Vico Sotto (kaliwa). Sina L.A. at Vico ay mga anak ng veteran actress na si Coney Reyes.
PHOTO/S: Instagram

May sagot si L.A. Mumar para sa lahat ng mga nagtatanong kung bakit hindi pa siya natuturukan ng COVID-19 vaccine, gayong mayor ng isang siyudad ang kanyang kapatid.

Si L.A. ang nakatatandang kapatid ni Pasig City Mayor Vico Sotto.

Naging bahagi rin siya ng showbiz noong early 2000 bago siya naging basketball coach at pastor.

Si L.A. ay anak ni Coney sa dating basketbal player na si Larry Mumar, habang si Vico ay anak ng veteran actress sa comedian-TV host na si Vic Sotto.

Ang sagot ni L.A. ang patunay na hindi sila abusado ng mga kapatid dahil maganda at maayos ang pagpapalaki sa kanila ng kanilang ina na si Coney Reyes.

Sabi ni L.A. sa kanyang Instagram Story, “I rarely post anything political but to all of you asking/wondering why my wife and I have NOT BEEN VACCINATED YET since my brother is the mayor.

“My mom didn’t skip the line. Vico didn’t skip the line, why would I?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ok lang ‘yan kasi life and death daw? So what?

"Shouldn’t we hold on to our values more, when things are difficult? What will I tell my children? It’s ok to do something illegal because it’s convenient?

“My 3 boys are watching me, people around are watching and most importantly, God is too.

“I am not a Mayor like my bro but we can do our part and choose what is right. One person, one family at a time.

“THERE IS HOPE FOR OUR COUNTRY!!!”

Ang post na ito ni L.A. ay nakakuha ng like mula kay Vico.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Marami na ang mga kilalang personalidad—showbiz and news personalities—ang naturukan ng COVID-19 vaccine dahil sila mismo ang nagpu-post sa kanilang mga social media account ng mga larawan nila habang binabakunahan.

Hindi maiwasan ng mga netizen ang magtaka at magtanong kung may naganap na palakasan dahil may mga celebrity na malusog ang pangangatawan at hindi nila nabalitaang may comorbidity pero naturukan na ng COVID-19 vaccine.

Kaya tamang-tama sa mga nangyayari ngayon at may importanteng aral na matutunan mula sa mga salitang binitiwan ni L.A.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sinagot ng basketball coach at pastor na si L.A. Mumar (kanan) ang tanong kung bakit di pa siya nababakunahan ng COVID-19 vaccine gayong mayor ng Pasig City ang kanyang nakababatang kapatid na si Vico Sotto (kaliwa). Sina L.A. at Vico ay mga anak ng veteran actress na si Coney Reyes.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results