Gluta ang pamagat ng bagong movie assignment ni Ella Cruz.
Isang Aeta na nangangarap maging beauty queen ang karakter niya sa pelikulang mula sa panulat at direksiyon ni Darryl Yap.
Malaking hamon para kay Ella ang pagbibida sa Gluta dahil pinaitim ang kulay ng kanyang balat, mukha, at buong katawan para sa Aeta role niya.
“Halos hindi niyo po ako makikilala dahil sa hitsura ko at mahahaba ang mga linya at eksena. Isang take lang ang lahat ng mga eksena ko.
"This is a comedy-drama movie pero punumpuno ng lesson," kuwento ni Ella tungkol sa follow-up project niya sa suspense-thriller movie na Biyernes Santo.
Tag-init na ang panahon sa Pilipinas nang simulan ang shooting ng Gluta kaya isang hamon din ito kay Ella, pero gustung-gusto niya ang role na ipinagkatiwala sa kanya ni Darryl.
Sabi niya, “Challenge is the make-up dahil kailangang magpantay ang kulay ko at mainit sa shoot.
“Siyempre, challenge din ang embracing and loving yourself or the character kasi tanggap na tanggap ng character ko kung sino siya so she's really confident.”
May special participation sa Gluta si Marco Gallo, na unang nakasama ni Ella sa Rooftop, thriller movie na hindi pa tiyak ang playdate.
Ang improvement ni Marco bilang aktor ang napansin ni Ella sa shooting nila para sa Gluta.
Aniya, “I can see he’s improving from our last movie together. He's really nice and he listens."
Nagpapasalamat si Ella dahil nabigyan siya ng magandang proyekto na maipagmamalaki niya at muling sumubok sa kanyang kakayahan sa pag-arte.