Si Gretchen Barretto at ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez ang karagdagan sa listahan ng mga local celebrity na naturukan na ng COVID-19 vaccine.
Naka-post ngayon sa Facebook page ni Ogie ang litrato nila ni Regine matapos maturukan ng bakuna laban sa coronavirus.

Sa Instagram entry naman ni Ogie, ipinaliwanag niya kung bakit sila nakabunahan na at hinikayat ang mga mamamayan ng Quezon City na mag-download ng app na mag-i-schedule ng vaccination nila.
View this post on Instagram
Isang video naman ni Gretchen ang lumitaw nang magpabakuna siya.
Typical Gretchen ang mapapanood sa video na nagulat kaya hindi napigilan ang sarili na makapagmura dahil nasaktan siya sa jab sa kanya.

Kung may natutuwa sa pagpapabakuna ng kanyang mga kasamahan sa industriya, ito ay walang iba kundi si Mark Anthony Fernandez, ang kauna-unahan na local actors na nagpaturok ng COVID-19 vaccine.
Pero naging kontrobersyal siya dahil sa mga paratang na sumingit siya sa pila na pinabulaanan niya nang makausap siya ngayong gabi ng Cabinet Files.
“Masaya naman ako na nagpaturok na sila. Yung sa akin kasi, it had to happen para magkaroon ng statement.
“Nag-subside yung isyu dahil napansin na nasa tama tayo kesa mali. Wala naman talaga akong nilabag na guidelines. Nasa substitute list ako.
“Yung nangyari, kumbaga sa pelikula, nauna na ako sa kuwento.
"Basta, natutuwa ako dahil naengganyo sila na magpabakuna pero naengganyo man o hindi, dapat mandatory ang pagpapabakuna,” ang pahayag ni Mark na hiniling na i-publish din ang sinabi sa kanya ng isang doktor na nakausap niya.
“May nakausap ako na doktor at sinabi niya na ang mabisang pangontra talaga sa COVID-19 ay Vitamin C, work out dahil pampataas ng immunity at yung na-publicize na virgin coconut oil bilang dietary supplement.”