Kobe Paras, nagpaalam na sa UP; susubukan muli ang kapalaran sa ibang bansa

by Jojo Gabinete
Apr 21, 2021
Ano ang naghihintay na kapalaran kay Kobe Paras matapos itong magpaalam sa University of the Philippines at sa UAAP?
PHOTO/S: @kobeparas on Instagram

Nagwakas na ang paglalaro ni Kobe Paras para sa University of the Philippines (UP) at sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

Ang sports management firm na East-West Private (EWP) na ang bagong namamahala sa basketball career ni Kobe.

Inanunsiyo ng EWP sa official Instagram account nito kahapon, April 20, ang pagpirma ni Kobe ng kontrata sa kanilang kompanya.

Inaasahang malaki ang magagawa nila para sa professional career ng 23-year-old basketball player.

"Let tomorrow be your second chance to prove that you are better than today and yesterday. Welcome to the family Kobe," pahayag ng EWP tungkol sa partnership nila ni Kobe.

Continue reading below ↓

Maligayang-maligaya naman si Jackie Forster sa bagong development sa career ni Kobe dahil alam niyamng ahal na mahal ng kanyang anak ang basketball.

"I just hope people wish him well. I’m so proud of him, but I think details on this should be shared by him when he is ready.

"For now, he wants to just focus on what his heart is telling him," sagot ni Jackie nang hingin ng Cabinet Files ang kanyang mensahe para kay Kobe.

May balitang lumipad na si Kobe sa Amerika dahil sa mga oportunidad na naghihintay sa kanya doon.

Pero gaya ng pahayag ni Jackie, hintayin na lamang natin ang mga detalyeng manggagaling mismo mula sa anak niyang muling susubukan sa ibang bansa ang kapalaran sa paglalaro ng basketball.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ano ang naghihintay na kapalaran kay Kobe Paras matapos itong magpaalam sa University of the Philippines at sa UAAP?
PHOTO/S: @kobeparas on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results