Stand-up comedian Le Chazz natagpuang patay sa kanyang bahay

by Jojo Gabinete
May 1, 2021
Natagpuang wala nang buhay ang stand-up comedian na si Le Chazz, 43, sa kanyang tahanan sa Kamuning, Quezon City, nitong Sabado ng hapon, May 1. Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang dahilan ng kanyang pagkamatay.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Sumakabilang-buhay ang stand-up comedian at former Wowowin co-host na si Le Chazz Nightingale—Richard Yuzon sa tunay na buhay—nitong Sabado ng hapon, May 1.

Siya ay 43 taong gulang.

Wala nang buhay si Le Chazz nang matagpuan siya sa kanyang tahanan sa Kamuning area, Quezon City.

Iniimbestigahan pa ang tunay na dahilan ng pagkasawi ng comedian na magdiriwang ng kaarawan sa May 10.

Si AJ Tamiza, ang kaibigan, kapwa stand-up comedian, at kapareha ni Le Chazz sa lahat ng mga gig nito ang nag-aasikaso sa mga labi ng yumao na dinala sa Mary Immaculate Funeral Homes.

Nagmarka si Le Chazz sa publiko nang maging co-host siya ni Willie Revillame sa Wowowin ng GMA-7 mula 2018 hanggang 2019.

Napanood din siya sa gag shows ng ABS-CBN na Banana Split: Extra Scoop noong 2011 at Banana Nite noong 2013.

Ang guesting niya sa Tutok To Win ng Wowowin noong February 2021 ang huling television appearance ni Le Chazz, na isa sa mga kinagigiliwang stand-up comedian ni Willie.

Continue reading below ↓

Le Chazz in Wowowin Tutok To Win

Le Chazz (standing) in his last TV appearance in Wowowin on February 11, 2021

Noong December 2018, ang life story ni Le Chazz ang tinalakay sa Tunay Na Buhay, ang programa ni Rhea Santos sa GMA-7 bago ito nag-migrate sa Canada.

Ikinuwento ni Le Chazz sa Tunay Na Buhay na nag-iisang anak lamang siya at lumaking magkahiwalay ang kanyang mga magulang.

Continue reading below ↓

Bago naging co-host ng Wowowin, nagtrabaho muna si Le Chazz bilang jester ng show. Dito napansin ni Willie ang kanyang talento sa pagpapasaya ng mga tao.

Sina Sugar Mercado at Petite ang dalawa sa mga naging kaibigan ni Le Chazz nang magkasama-sama sila sa Wowowin.

Sa Tunay Na Buhay ay nagsalita sina Petite at Sugar tungkol kay Le Chazz.

Papuri ni Petite kay Le Chazz, "Si Chazz, mahusay na co-host, magaling na kaibigan at mabuting tao."

Rebelasyon naman ni Sugar. "Lagi siyang nasa [harap ng] salamin kasi gandang-ganda siya sa sarili niya."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Natagpuang wala nang buhay ang stand-up comedian na si Le Chazz, 43, sa kanyang tahanan sa Kamuning, Quezon City, nitong Sabado ng hapon, May 1. Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang dahilan ng kanyang pagkamatay.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results