Pinoy shoe designer Jojo Bragais, natupad ang pangarap maging bahagi ng Miss Universe

by Jojo Gabinete
May 2, 2021
Jojo Bragais: "Dati, pinag-uusapan lang namin ito ng kaibigan ko at sinasabi ko lang sa sarili ko na maging official footwear partner ng Miss Universe. Then ngayon, eto na. Minsan naiisip ko, panaginip pa rin ba ito?”
PHOTO/S: Courtesy of Jojo Bragais

Nakatakdang lumipad sa Florida, USA, ang Filipino shoe designer na si Jojo Bragais sa Miyerkules, May 5.

Ang kanyang Bragais shoes ang official footwear partner ng 69th Miss Universe na magaganap sa May 16, 2021.

Pitumpo’t apat ang opisyal na kalahok sa 69th Miss Universe, pero tiniyak ni Bragais na madaragdagan pa ang 235 pairs ng sapatos na ipinadala niya sa Florida noong April 28 sa pamamagitan ng Fedex.

Filipino shoe designer na si Jojo Bragais

Continue reading below ↓

Sandali lamang ang pananatili ni Bragais sa Amerika dahil ang Bragais shoes din ang official footwear partner ng 57th edition ng Binibining Pilipinas kaya kailangan niya agad bumalik sa bansa.

“I’m leaving on the 5th of May and will be back before Binibining Pilipinas coronation, but no date yet,” sabi ni Bragais sa exclusive interview sa kanya ng Cabinet Files nitong Biyernes ng tanghali, April 30.

Ang pinagkakatiwalaan ni Bragais na kaibigang si Bessie Besana ang kanyang kasama sa U.S. trip at makakatulong niya sa pag-aasikaso sa mga sapatos na gagamitin ng mga kandidata.

“Ako lang at si Bessie ang lilipad from the Philippines, pero may mga tao akong ita-tap from U.S. para makatipid na rin. May friends and family naman ako doon to help me out.

“I’m very happy. Super saya ko dahil katuparan siya ng pangarap ko.

"Dati, pinag-uusapan lang namin ito ng kaibigan ko at sinasabi ko lang sa sarili ko na maging official footwear partner ng Miss Universe.

Continue reading below ↓

“Then ngayon, eto na. Minsan naiisip ko, panaginip pa rin ba ito?”

MOST DIFFICULT PART OF SPONSORING SHOES FOR A PAGEANT

Hindi madali ang gumawa ng maraming sapatos sa factory niya sa Binangonan, Rizal para sa mga kalahok sa Miss Universe.

Ano ang pinakamahirap na proseso para sa iyo?

Tugon ni Bragais, “Most difficult part is sourcing raw material based on my vision. Pandemic made almost everything slow.

“Like, the leather I used. It’s custom-made shade took me really long to get them and I only have few days for actual production.”

shoe designer na si Jojo Bragais Miss Universe sponsor

Continue reading below ↓

May mga biglaan bang pagbabago sa buhay mo mula nang ipahayag ng Miss Universe Organization na ikaw ang official footwear partner nila para sa 69th Miss Universe?

Ayon sa shoe designer, “Nothing much on personal aspects, but I’m very masaya dahil mas marami na ang nakakakilala ngayon sa Bragais shoes.

“Pero ang pinakagusto ko sa lahat is yung support ng tao, na Pinoy pride ako.

"Nakakataba ng puso ang prayers, lalo na yung mga suporta. Talo ko pa yung ako ang lalaban sa pageant."

Malaki ang pasasalamat ni Bragais sa Panginoong Diyos dahil sa kabila ng mga pagsubok na hatid ng pandemya, marami ang magagandang nangyayari sa kanyang buhay at negosyo.

Ibinahagi rin niya ang mga aral na natutunan mula sa kanyang mga karanasan sa panahon ng coronavirus pandemic.

Saad niya, “Laban lang ang natutunan ko ngayong pandemya. Alam ko na mahirap pero parte ng buhay ang kahirapan at pagsubok.

Continue reading below ↓

“Siguro more than sa nahihirapan tayo, mas tingnan natin kung ano ang mga aral na itinuturo sa atin dahil lahat ng lessons na nakuha natin sa pandemya is an eye-opener. Kung anong aspeto sa buhay at negosyo ang dapat pagtuunan ng pansin.

"Sa akin, mas nandoon ako sa kung ano ang naging ako sa mga pagsubok at ang mga itinuro sa akin ng sitwasyong ito."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jojo Bragais: "Dati, pinag-uusapan lang namin ito ng kaibigan ko at sinasabi ko lang sa sarili ko na maging official footwear partner ng Miss Universe. Then ngayon, eto na. Minsan naiisip ko, panaginip pa rin ba ito?”
PHOTO/S: Courtesy of Jojo Bragais
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results