Ang lalaki sa likod ng "missing piece" ng national costume ni Rabiya Mateo

by Jojo Gabinete
May 9, 2021
Hamon day sa jewelry maker na si Manny Halasan ang mai-connect ang gagawin niyang jewerly set sa national costume na gawa ni Rocky Gathercole na isusuot ni Rabiya Mateo sa National Costume competition ng Miss Universe 2020 pageant.
PHOTO/S: Courtesy of Manny Halasan

Nauna nang ipinagdiwang ni Shamcey Supsup at ng kanyang dalawang anak ang Mother’s Day noong May 2 dahil bumiyahe siya ngayon, May 9 sa Hollywood, Florida para magbigay ng moral support kay Rabiya Mateo, ang Philippine bet sa 69th Miss Universe.

Si Shamcey ang National Director ng Miss Universe Philippines Organization kaya importante ang pagdalo niya sa coronation night ng 69th Miss Universe na magaganap sa May 16, 2021.

Bitbit ni Shamcey sa kanyang pag-alis ang “missing piece" sa national costume na gagamitin ni Rabiya sa National Costume competition ng Miss Universe.

Ang “missing piece" ang set of jewelry na likha ng 36-year-old talented fashion designer, crown and jewelry maker na si Manny Halasan ng Meycauayan, Bulacan.

Natuto si Manny na gumawa ng mga jewelry dahil noong elementary student pa siya, naging playground niya ang workplace ng kanyang lolo at lola, sina Filomeno at Norma Halasan na parehong kilala bilang mahuhusay na jewelry maker sa lalawigan ng Bulacan.

Continue reading below ↓

Nagsimula ang jewelry making business ng mga Halasan kay Calixto Halasan, ang great grandfather ni Manny.

Kaya maituturing na tribute nito sa kanyang mga ninuno ang pagpapatuloy niya sa nakagisnan na kabuhayan at propesyon ng kanilang pamilya.

Sa exclusive interview ng Cabinet Files kay Manny nitong Linggo nang gabi, ikinuwento niya ang nararamdaman na kaligayahan.

Dahil nagkaroon siya ng partisipasyon sa national costume na likha ng pumanaw na international fashion designer na si Rocky Gathercole at isusuot ni Rabiya sa National Costume competition ng 69th Miss Universe.

“Sobrang happy, proud and thankful po,” ang sagot ni Manny nang alamin ng Cabinet Files ang pakiramdam niya nang ipagkatiwala sa kanya ng Miss Universe Philippines Organization ang paggawa sa mga alahas na magiging katerno ng national costume ni Rabiya.

Ano naman ang mga hamon sa paggawa ng mga jewelry?

“First, dapat na ma-connect ko siya sa design ni Sir Rocky. Something meaningful ang design at dapat, bagay kay Rabiya.

Continue reading below ↓

“Kinakabahan ako sa magiging reaksyon ng mga tao. Sana magustuhan ng pageant fanatics at ng lahat ng mga tao ang mga design namin ni Sir Rocky kasi pagdating sa stage, yung bansa na natin ang ipinapakita natin. Kaisa na tayo ng pambato natin.”

Confidential ang mga impormasyon tungkol sa jewelry na ginawa ni Manny para kay Rabiya na ipinahatid niya sa tinitirhan ni Shamcey dahil ito ang nagdala sa Florida.

Para magkaroon ng idea ang publiko sa husay ni Manny bilang crown at jewelry designer, siya ang lumikha ng mga korona ng Miss World Philippines, Miss Q&A ng It’s Showtime, at ng mga jewelry na ginamit ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa farewell walk nito sa 68th Miss Universe noong December 9, 2019.

Miss Universe 2018 Catriona Gray farewell walk jewelry

Continue reading below ↓

Catriona Gray farewell walk crown

Manny Halasan crown

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hamon day sa jewelry maker na si Manny Halasan ang mai-connect ang gagawin niyang jewerly set sa national costume na gawa ni Rocky Gathercole na isusuot ni Rabiya Mateo sa National Costume competition ng Miss Universe 2020 pageant.
PHOTO/S: Courtesy of Manny Halasan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results