Gugunitain ang ika-siyam na araw na pagpanaw ng respected veteran entertainment editor-columnist na si Ricky Lo bukas, May 12.
Kaugnay nito, isang banal na misa ang idadaos bandang 7 p.m. Pangungunahan ito ni Fr. Jerry Orbos.
Imbitado ang lahat ng pamilya, mga kaibigan, at mga nakatrabaho ni Ricky sa Banal na Misa sa pamamagitan ng Zoom na itinataguyod ng Dabarkads, ang samahan nila ng kanyang mga kaibigang kinabibilangan nina Susan Roces, Helen Gamboa, Mother Lily Monteverde, June Rufino, Dolor Guevarra, Shirley Kuan, Pat-P Daza, Malou Choa-Fagar, Tony at Mads Tuviera, Veana Fores, Danny Dolor, Ronald Constantino, Law Tan, Bechay Nakpil, Jaypee at Anes Victoriano, Gello Jamias, at Senator Grace Poe.
Nang pumanaw si Ricky noong May 4, 2021, bumaha sa social media ang mga pakikiramay at pagpupugay ng kanyang mga kaibigan sa entertainment industry, pulitika, at mula sa mga ordinaryong taong hindi malilimutan ang kabutihang ipinamalas niya.
"Kind and generous" ang karamihan sa mga papuri kay Ricky, at totoo ito dahil saksi kami sa kanyang pagiging mapagbigay.
Apat na taon na ang nakalilipas buhat nang makatanggap si Ricky ng sulat mula sa abogado ng isang showbiz personality.
Nakasaad sa sulat na pinagbabawalan si Ricky ng abogado na isulat sa kanyang widely read column ang showbiz personality at ang anak nito.
Naging mapagbigay si Ricky dahil mula noon hanggang sa bawian siya ng buhay, hindi na niya binanggit ni minsan sa kanyang column ang pangalan ng showbiz personality at ang anak nito.
"DUST IN THE WIND"
Ang "Dust in the Wind," ang 1977 hit song ng popular rock group na Kansas ang isa sa mga paboritong kanta ni Ricky.
Ito ang madalas na sinasabi niya sa tuwing nagkakausap kami kapag may mga mahal siya sa buhay o kaibigang nagpapaalam.
Ang column niya sa The Philippine Star noong October 11, 2004 ang patunay na malapit sa puso ni Ricky ang "Dust in the Wind" dahil isinulat pa niya ang kumpletong lyrics ng kanyang itinuturing na humbling song"
I close my eyes
Only for a moment, then the moment’s gone
All my dreams
Pass before my eyes, a curiosity
Dust in the wind
All we are is dust in the wind
Same old song
Just a drop of water in an endless sea
All we do Crumbles to the ground, though we refuse to see
Dust in the wind
All we are is dust in the wind, oh
Now, don’t hang on
Nothing lasts forever but the earth and sky It slips away
And all your money won’t another minute buy
Dust in the wind
All we are is dust in the wind
All we are is dust in the wind
Dust in the wind
Everything is dust in the wind
Everything is dust in the wind
The wind
Sabi noon ni Ricky, "What a humbling song, isn’t it?
"I first paid attention to the lyrics of that Kansas song, Dust in the Wind in 1996 after my two brothers, Rudy and Netoy, died within a week of each other and I realized what a great equalizer death is.
"When your time comes, whether you are rich or poor, unknown or famous, beautiful or not, all you are is, yes, dust in the wind.
"When Netoy’s ashes were handed to us in a 4"x 6" bronze urn after a five-hour cremation, I looked at it long and hard and thought to myself, 'Is this all that’s left of him?'"
RICKY lo'S URN
Binawian ng buhay si Ricky noong May 4. Kinabukasan, May 5, ang cremation sa kanyang bangkay.
Ang padalhan kami ng litrato ng kanyang urn ang hiling namin sa mga pamangkin ni Ricky na sina Rainier at Jia kapag naihatid na sa kanila ang abo ng namayapang tiyo nila.
Nang matanggap namin ang larawan ng urn na kinalalagyan ng abo ni Ricky, saka lang kami naniwala na wala na siya.
Pumasok din sa aming isip ang sinabi ni Ricky nang makita niya noon ang urn ng kanyang namayapa na kapatid: “Is this all that’s left of him?”