PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Miss Myanmar, tumakas lang sa kanilang bansa para makasali sa Miss Universe 2020

Miss Myanmar may warrant of arrest kaya di pa makabalik sa kanilang bansa
by Jojo Gabinete
Published May 17, 2021
Maikukumpara sa isang suspense-thriller movie ang pagtakas ni Miss Myanmar Thuzar Wint Lwin sa kanilang bansa para makapag-compete sa Miss Universe 2020. Ang kanyang "Fearless Empress" national costume ang itinanghal na Best in National Costume.
PHOTO/S: @thuzar_wintlwin on Instagram

Si Miss Myanmar Thuzar Wint Lwin ang nanalo sa National Costume competition ng 69th Miss Universe.

Kung tutuusin, higit na magaganda ang mga national costume ng ibang mga kandidata pero walang nagprotesta sa tagumpay niya.

Marami ang nakikisimpatiya kay Thuzar dahil narinig ng buong mundo ang panawagan niyang ipagdasal ang kanyang bansa na nasa ilalim ngayon ng pamumuno ng militar mula pa noong February 2021. Maraming nagaganap na kilos-protesta at mga sibilyan na nagbubuwis ng buhay para mabawi ang demokrasyang inagaw sa kanila.

Dahil sa kasalukuyang sitwasyon sa Myanmar, maikukumpara sa isang suspense-thriller movie ang pagtakas ni Thuzar para makalipad siya sa Florida, USA, at maging kinatawan ng kanyang bansa sa 69th Miss Universe.

Hindi napansin ng Myanmar border security ang pag-alis ni Thuzar dahil sa kanyang suot na hoodie at dark sunglasses.

Para hindi mahalata ng customs officials ang kanyang pagtakas, ipinadala ni Thuzar sa Florida ang national costume na gagamitin niya sa Miss Universe sa pamamagitan ng isang international courier company.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kasamaang-palad, hindi nakarating sa Amerika ang national costume ni Thuzar.

Pero nagmagandang-loob ang mga miyembro ng Chin Community sa Florida na igawa siya ng damit, at ito ang winning national costume na tinawag na "Fearless Empress."

Sinuportahan ng Chin Community si Thuzar dahil mahigpit din ang pagkondena nila sa mga karahasang nagaganap sa Myanmar.

Napakalabo ng posibilidad na makabalik si Thuzar sa Myanmar dahil naglabas ng arrest warrant laban sa kanya nang malaman ng military junta ang pagtakas niya.

Bago umalis si Thuzar sa Myanmar para sa Miss Universe 2020, aktibo siya sa mga kilos-protesta sa kanilang bansa at ginagamit niya ang social media para kondenahin ang naganap na coup d’etat noong February 2021.

Alam ni Thuzar na hindi ligtas na bumalik siya sa Myanmar, pero hindi pa niya alam ang pupuntahan ngayong natapos na ang 69th Miss Universe.

Sa kabila ng walang katiyakang kinabukasan para sa kanyang bansa, nananatiling positibo si Thuzar dahil sa mensahe nito para sa mga kababayan niya sa Myanmar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag niya: “Myanmar, We did it and it wouldn’t be possible if it’s not for your love and support.

“I'm blessed and thrilled that we made it together all the way today.

“I wish I could have made you prouder. But I did my best and hope you all love what we got.

“And thank you so so Much to those who voted for Best National Costume. It's more than a costume. It's a message, spirit and solidarity. Be safe and God bless you all!”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bukod sa pagwawagi ng Best in National Costume, nakapasok din si Thuzar sa Top 21 ng Miss Universe 2020.

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maikukumpara sa isang suspense-thriller movie ang pagtakas ni Miss Myanmar Thuzar Wint Lwin sa kanilang bansa para makapag-compete sa Miss Universe 2020. Ang kanyang "Fearless Empress" national costume ang itinanghal na Best in National Costume.
PHOTO/S: @thuzar_wintlwin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results