Nabuhay ang mga panlilibak kay Miss Universe Canada 2020 Nova Stevens dahil sa mga rebelasyon ng Filipino international fashion designer na si Michael Cinco na "UNGRATEFUL, VILE and professional USERS" siya at ang MGmode o Team Canada.
Ang MGmode ang grupong nasa likod ng pagsali ni Stevens sa 69th Miss Universe noong May 16, 2021.
Ang pagiging biktima ng racial discrimination ang ibinulgar ni Stevens noong May 5, 2021 nang maranasan niyang tawaging "multo" at "sunog na manok" dahil sa kanyang kulay.
Inilabas ni Stevens sa social media ang mga screenshot ng mga pang-aalipusta sa kanyang hitsura na karamihan ay nanggaling sa mga Pilipino.
Muling nangyari ang mga pagbatikos ng Pinoy netizens kay Stevens dahil sa akusasyon ni Cinco na hindi siya marunong magpasalamat para sa mga damit na ginawa ng huli at ginamit niya sa Miss Universe 2020 competition.
Nasaktan si Cinco dahil, diumano, siya ang sinisisi sa non-inclusion ni Stevens sa Top 21 candidates ng Miss Universe kaya napilitan ang popular Filipino fashion designer na ipagtanggol ang sarili at sabihin ang katotohanan.
Hindi pa sumasagot ang MGmode sa mabibigat na paratang ni Cinco dahil naghihintay pa sila ng Filipino reporter na makikipag-ugnayan sa kanila at aalamin ang panig nila.

NOVA STEVENS AIRS HER SIDE
Gaya nang dati, muling ginamit ni Stevens ang kanyang social media account para sabihing nalulungkot siya sa mga nangyayari.
Nasaktan daw nang husto si Stevens sa pahayag ni Cinco na hindi siya marunong magpasalamat.
Pahayag ng Canadian beauty queen, “Unfortunately, I’ve been made to be involved so I just want to clarify few things.
"This really hurts me because I have nothing but love for both parties. They have both helped me in ways that I cannot even count.
"So, every day I do count my blessings because of these two people, MG mode and Michael Cinco."
Mensahe niya para sa Filipino designer: “Michael, I have nothing but love and gratitude towards you. You have created the most beautiful gowns I could even think of.
“The fact that I was able to work with you is honestly a highlight of my career as Miss Universe Canada.
"So I just want you to know that gratitude will never diminish no matter what and I express that gratitude publicly and privately and, God knows, my heart.
"I really do appreciate gratitude because I really feel that gratitude is the greatest multiplier in life.
"The more grateful you are in life, the more life gives to you, so please know that will never change."
Sa kabila ng kanyang maayos at malumanay na paliwanag, lalong tumindi at nadagdagan ang mga batikos laban kay Stevens.
Hindi niya kinaya ang masasakit na salita mula sa mga Pilipino na nakikisimpatiya kay Cinco kaya ngayong Linggo ng umaga, May 23, nagpasya siyang gawing pribado ang kanyang Instagram account.
