PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Willie Revillame asks ABS-CBN permission for John Lloyd Cruz

John Lloyd, winelcome na ni Willie Revillame sa GMA-7.
by Jojo Gabinete
Published May 31, 2021
Willie Revillame (in white polo) on John Lloyd Cruz: “Nakakatuwa itong batang ‘to. Sabi ko, itong mga taong ito ang inspirasyon at itong mga katulad ni John Lloyd ang dapat natin sinusuportahan at pinanonood."
PHOTO/S: Courtesy: @samverzosa / @direkbobot on Instagram

Ang scoop story ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, May 30, tungkol sa pagsasamahan nilang sitcom nina John Lloyd Cruz at Andrea Torres ang ikinuwento ni Willie Revillame sa live broadcast ng Wowowin: Tutok To Win ngayong Lunes ng hapon, May 31.

Sa kanyang paglalahad, muling binanggit ni Willie ang pagkikita nila ni John Lloyd sa kanyang beach house sa Puerto Galera, at ang kanilang mga pinag-usapan tungkol sa career ng aktor na nagbabalik-showbiz matapos ang halos apat na taong pamamahinga.

“Kinausap ko siya nang masinsinan, 'Ano bang plano mo sa buhay mo? Ano ba ang gusto mo?'

"And then it’s a good thing na nagkausap kami para naliwanagan din siya.

“Sabi ko, 'May anak ka na. May anak na tayo, dapat may trabaho na tayo para sa future saka nami-miss ka na namin.'"

Patuloy ni Willie, “Nung nakita ko si John Lloyd, napaka-humble. Nakakatuwa, napaka-mabait, lahat nagpa-picture sa kanya, hindi siya suplado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Actually, sa Puerto Galera, iniwan ko siya kasama niya si Elias, yung anak niya, saka yung yaya.

“Namalengke pa siya at kumain ng fishball, siya pa nagluto.

“Nakakatuwa itong batang ‘to. Sabi ko, itong mga taong ito ang inspirasyon at itong mga katulad ni John Lloyd ang dapat natin sinusuportahan at pinanonood.

"Kaya Lloydie, maraming salamat sa tiwala mo sa akin, kay Direk Bobot [Edgar Mortiz].”

CONVERSATION WITH CARLO KATIGBAK

Nagbitaw si Willie ng pangako kay John Lloyd na tutulungan at gagabayan niya ang aktor sa mga desisyon nito tungkol sa showbiz career.

Kinausap ni Willie ang GMA-7 executive na si Annette Gozon-Valdes at si ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak tungkol sa pagtulong na gagawin niya kay John Lloyd.

“Nakausap ka na rin ni Miss Annette Gozon, pinag-usap ko kayo.

"At para malaman niyo rin ho, with respect sa ABS-CBN, dun din naman po kami nanggaling, nagpaalam din ako kay Mr. Carlo Katigbak.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“I got the number from Direk Bobot and then tinext ko si Mr. Carlo Katigbak, 'Sir, can I call you?'

“He’s very kind, napakabait.

"Sabi sa akin ni Mr. Carlo, ‘Hindi ko naman sila puwedeng pigilan. Siyempre meron na silang mga buhay at siyempre, kailangan nilang magtrabaho at wala naman kaming naibibigay sa kanila.’

“Anyway, Sir Carlo Katigbak, maraming-maraming salamat po at pinagbigyan niyo.

“It’s a good thing na pag-text ko sumagot kaagad kayo. Parang nagbigay kayo agad ng halaga sa akin at I really appreciate that.

"At maraming salamat din dahil sinabi niyo sa akin, 'Sige, bahala ka muna kay John Lloyd.'”

Parehong galing ng ABS-CBN sina Willie at John Lloyd.

PLANS FOR JOHN LLOYD

Ibinahagi ni Willie sa viewers ng Wowowin ang mga plano niya para kay John Lloyd tulad ng isang sitcom sa GMA-7 na posible na silang dalawa ang mga producer.

“Nag-usap naman kami ni John Lloyd na kasama siya sa production, he will be one of the producers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Maaaring kaming dalawa, maaaring WL [for Willie and John Lloyd] Productions for TV or movies.

“Sabi ko kay John Lloyd, 'Hindi ka lang dapat artista. Dapat producer ka pa. I will be here for you. Tutulungan kita Lloydie.'

“Meron kaming inaayos, sana matuloy ito. Kung matutuloy ito, gagawa kami ng isang maganda, masaya."

Sabi pa ni Willie: “John Lloyd, welcome sa bago mong pamilya, sa bago mong magiging tahanan.

"Huwag kang mag-alala, hindi ka namin pababayaan."

HOT STORIES

Use these GrabFood promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willie Revillame (in white polo) on John Lloyd Cruz: “Nakakatuwa itong batang ‘to. Sabi ko, itong mga taong ito ang inspirasyon at itong mga katulad ni John Lloyd ang dapat natin sinusuportahan at pinanonood."
PHOTO/S: Courtesy: @samverzosa / @direkbobot on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results