Hindi na matutuloy sa July 11, 2021 ang salpukan ng grand coronation night ng 57th Binibining Pilipinas at ng Miss World Philippines 2021.
Nagpasya si Miss World Philippines Organization National Director Arnold Vegafria na ipagpaliban sa July 25 ang grand finals ng beauty pageant na kanyang pinamumunuan.
Sinabi ni Vegafria sa panayam ng ABS-CBN News na ayaw niyang magkaroon sila ng conflict ng Bb. Pilipinas Charities Inc., ang organizer ng Binibining Pilipinas.
Magkakaroon din ng pagkakataon ang Miss World Philippines Organization na mapaghandaan nang husto ang coronation night na magaganap sa Mall of Asia Arena.
Pero hindi pa rin masosolo ng Miss World Philippines Organization ang July 25 dahil ito rin ang petsa ng virtual coronation ng Miss Philippines Earth na mapapanood sa streaming site na ktx.ph.
Nakatakda naman sa September 2021 ang grand finals ng Miss Universe Philippines.
Malaki ang posibilidad na maganap ito sa Iloilo City dahil nagmula rito si reigning Miss Universe Philippines Rabiya Mateo.
As early as February 2021, sinabi ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas na bukas ang bayan nila para sa grand coronation ng Miss Universe Philippines. Bukod sa kababayan nila si Rabiya, makatutulong ang pangyayari sa kanilang tourism industry.
Kailangan nang maisalin ni Rabiya sa September 2021 ang kanyang korona sa successor niya dahil maiksing panahon lamang ang paghahanda na magagawa nito para sa 70th Miss Universe na idaraos sa December 2021 sa Costa Rica.
Si Andrea Meza ng Mexico ang reigning Miss Universe.
Pitong buwan lamang ang kanyang pagrereyna dahil May 16, 2021 nang koronahan siya, at isasalin niya ang korona sa kanyang successor sa December 2021.
Hindi nagkakalayo ang karanasan ni Andrea at ni Miss Universe 2016 Iris Mittenaere ng France na nagwagi noong January 30, 2017 sa coronation na ginanap sa Pilipinas.
Tumagal lamang ng sampung buwan o three hundred days ang reign ni Iris dahil inilipat niya noong November 26, 2017 ang kanyang korona at beauty title kay Demi-Leigh Nel-Peters ng South Africa, ang 66th Miss Universe winner.
Hawak ni Iris ang record ng shortest completed reign bilang Miss Universe, pero nakuha na ito ni Andrea mula sa kanya dahil pitong buwan lamang nito mapakikinabangan ang korona.
Pero sa kasaysayan ng Miss Universe, si Miss Colombia Ariadna Gutierrez ang may hawak ng shortest-reign-ever record.
Halos tatlong minuto lamang tumagal sa ulo ni Ariadna ang Miss Universe crown nang magkamali ng announcement ang host na si Steve Harvey sa 64th Miss Universe noong December 2015 dahil si Pia Wurtzbach ang tunay na nagwagi.
Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.