Ara Mina at Dave Almarinez ikakasal na ngayong June sa Baguio City

by Jojo Gabinete
Jun 9, 2021
Nakatakda ngayong June ang pag-iisang dibdib nina Ara Mina at Dave Almarinez sa Baguio City.
PHOTO/S: Instagram

Matutuloy na ang pag-iisang dibdib ni Ara Mina at ng kanyang fiancé na si Dave Almarinez kaya tiyak na ang pagiging June bride ng aktres.

Naudlot ang pagpapakasal ng dalawa noong April 28, 2021 dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa National Capital Region.

Pero magkakaroon na ng katuparan ang kanilang plano sa huling linggo ng June. Magaganap ang kanilang pag-iisang dibdib sa Baguio City.

Naudlot ang pagpapakasal ng dalawa noong April 28, 2021 dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa National Capital Region, pero matutuloy na ang kanilang plano sa darating na Sabado.

Emerald green ang kulay ng box na may letra na D at H (D for Dave at H for Hazel, ang tunay na pangalan ni Ara) at naglalaman ng kanilang impressive wedding invite.

Mga kilalang personalidad mula sa mundo ng pulitika, showbiz, at negosyo ang sampung pares ng mga ninong at ninang sa kasal nina Ara at Dave.

Continue reading below ↓

Matrons of honor ang mga kapatid ni Ara na sina Cristine Reyes at Heidi Gatmaytan, patin na sina Jan Marini at Christine Baniqued.

Best Men sina Shawn Weinstein, Pundarika Bibireddy, at Raulito Almarinez.

May special participation si Mandy, ang five-year-old daughter ni Ara, sa magaganap na pagpapakasal nila ni Dave sa Araw ng Kalayaan pero araw at simula ng bagong kabanata sa kanilang mga buhay.

RELATED STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakatakda ngayong June ang pag-iisang dibdib nina Ara Mina at Dave Almarinez sa Baguio City.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results