Rob Gomez ipinaliwanag kung bakit Gomez at hindi Estrada ang ginamit niyang screen name

by Jojo Gabinete
Jun 10, 2021
Rob Gomez co-stars with fellow newcomer Alexa Miro in UPSTREAM Original's A Girl + A Guy.

Bida agad si Rob Gomez sa A Girl + A Guy ng UPSTREAMS Originals, ang relationship-but-very-daring movie ng multi-awarded director na si Erik Matti.

Pero naranasan na noon ni Rob na lumabas sa telebisyon.

Ikinuwento ni Rob na dati siyang mainstay ng Walang Tulugan with The Master Showman noong 2013.

Mga kasabayan niya sina Ken Chan, Teejay Marquez, Derrick Monasterio, at Jak Roberto sa late Saturday night show ng pumanaw na starbuilder na si German Moreno.

Robert Estrada ang ginamit ni Rob na screen name sa Walang Tulugan, pero may katwiran siya sa desisyon niyang gamitin ang Gomez sa kanyang pagbabalik sa showbiz.

Sabi niya, “I love my family. I respect them for everything they’ve done for our family.

“It would be more striking if I use Estrada, pero meron na po tayong Joseph at Gary Estrada, at may Kiko Estrada pa na napakagaling na aktor.

"Kaso nga lang po, na-realize namin na my mom’s a great actress too and I would love to start my own journey."

Continue reading below ↓

Si Rob ay anak ng dating aktres na si Kate Gomez, kapatid ng aktor na si Gary Estrada.

Sina Kate at Gary ay mga anak ng yumaong aktor na si George Estregan, na kapatid ni dating Pangulong Joseph Estrada. Ang kanilang ina ay ang dating aktres na si Agnes Moran.

Patuloy ni Rob, “I wouldn’t wanna live in the shadow of anyone.

"I would work every single minute for everything I would get, every role, every opportunity, and my mom’s a big inspiration for me too, so Gomez it is.”

RELATIONSHIP MOVIE

Relationship movie ang description sa A Girl + A Guy, pero ito ang pinakamatindi at pinakamapangahas sa lahat ng mga pelikula ni Erik.

Ito ay dahil sa mga eksenang walang takot na ginawa nina Rob, Alexa Miro, at ng kanilang co-stars na sina Candice Ramos, Sarah Holmes, Rosh Barmana, at Emilio Francisco.

Nanibago si Rob dahil ibang-iba ang paggawa ng pelikula sa naging partisipasyon niya noon sa youth-oriented show ni Kuya Germs.

Continue reading below ↓

“Nanibago talaga ako. It was a movie. It was a different scenario from what I have experienced before.

"It was very challenging, eye opener, nerve wracking, but satisfying. It feels like I belong there.

“Actually, medyo mahirap po siya. Nahirapan ako at some point, wala po kaming sensuality workshop. I think there’s a reason why both of us got picked.

“Direk Erik was very very open. He explained what he wanted, but then he wanted us to apply ourselves into the scenes.

"We wouldn’t want it to be half-cooked also kaya po ibinigay rin namin lahat."

Idinagdag ni Rob na baka hindi niya ginawa ang A Girl + A Guy kung hindi si Erik ang direktor dahil sa mga daring scene nila ni Alexa at ng ibang co-stars niya.

“It’s my first film with a great director, great people, great crew. I am very proud and very thankful."

Sabi pa niya tungkol sa daring scenes, “It was requested by Direk. He explained it kung paano ipapasok yung idea niya.

Continue reading below ↓

"If I half-cooked it, it’s not gonna come out in my head how beautiful it could have been, if I don’t do some things that an actor should do."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rob Gomez co-stars with fellow newcomer Alexa Miro in UPSTREAM Original's A Girl + A Guy.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results