Parehong tumanggi ang direktor na si Erik Matti at ang newcomer na si Alexa Miro sabihin ang pangalan ng aktor na matapang na nagpakita ng "close-up male genitalia" sa isang mapangahas na eksena ng A Girl + A Guy.
Literal na “ipinamukha” ng mystery actor kay Alexa ang pribadong bahagi ng kanyang katawan.
“Sinabi ko talaga that’s what I need for the scene.
"If the actor said no, then I would have just gone on to the next actor and found someone who would do that," sabi ni Direk Erik nang mapag-usapan sa digital mediacon ng A Girl + A Guy ngayong Biyernes, June 18, ang eksenang tiyak na hindi papasa kung saka-sakali sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
“But I think again... if you look at the context of the scene kung gaano siya ka-graphic, I think you would also react na parang gulat na gulat, because that’s what I really want na reaction from everybody who’s gonna see it because it comes into a scene where you least expect it.
“With the music that I put there, mas lalo mo pang hindi ie-expect na may tatambad na ganoong eroplano sa eksena, ganoon katulis na eroplano sa mukha ni Alexa Miro.”
Pinatotohanan ni Alexa ang mga sinabi ni Direk Erik dahil ikinabigla pa rin daw niya ang eksena nila ng kanyang co-actor, kahit may idea siya sa mangyayari.
Sabi ng newbie actress, “Yung naramdaman ko sa film, yun ang mararamdaman ng audience for sure.
“Hindi po siya titillating scene. Nagulat po ako kahit alam ko yung mangyayari.
"Parang nakailang take po ako dahil sa sobrang gulat ko kasi talagang hmmm…"
Hindi lamang ang mga baguhang cast ng A Girl + A Guy ang matatapang na nagpakita ng mga hubad na katawan at graphic sex scene dahil mapapanood din sa pelikula ang pagtatalik ng mga hayop.
“Kapag nakita niyo lahat ng nudity na ‘yan, not just with people, but nudity with animals as well that you’re gonna see in the movie, maiisip mo kung gaano siya katapang, and it’s to frame this generation in a certain way,” paliwanag ni Direk Erik.
Desidido raw ang direktor na mabuksan ang isip ng publiko tungkol sa mga ugali at paraan ng pakikipagrelasyon ngayon ng mga kabataan o ng Generation Z sa pamamagitan ng kanyang bagong pelikula.
Ang A Girl + A Guy ay UPSTREAM Original na magsisimula ang streaming sa June 24.